Job
34 Kaya patuloy na nagsalita si Elihu:
2 “Makinig kayo sa sasabihin ko, kayong matatalino;
Pakinggan ninyo ako, kayo na maraming alam.
4 Tayo mismo ang sumuri kung ano ang tama;
Tayo mismo ang magpasiya kung ano ang mabuti.
6 Magsisinungaling ba ako at sasabihing hindi ako karapat-dapat sa matuwid na hatol?
Hindi gumagaling ang sugat ko kahit hindi naman ako nagkasala.’+
7 Sino ang gaya ni Job,
Na umiinom ng pang-iinsulto na gaya lang ng tubig?
10 Kaya makinig kayo sa akin, kayong marurunong:*
Imposibleng gumawa ng masama ang tunay na Diyos;+
Hinding-hindi gagawa ng mali ang Makapangyarihan-sa-Lahat!+
11 Dahil ginagantimpalaan niya ang tao ayon sa ginagawa nito,+
At ipinararanas niya sa tao ang resulta ng landasin nito.
12 Talagang hindi gumagawa ng masama ang Diyos;+
Hindi binabaluktot ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang katarungan.+
14 Kung itutuon niya sa kanila ang pansin* niya,
Kung babawiin niya ang buhay* at hininga nila,+
15 Mamamatay ang lahat ng tao,*
At ang sangkatauhan ay babalik sa alabok.+
16 Kaya kung may unawa ka, bigyang-pansin mo ito;
Makinig kang mabuti sa sasabihin ko.
17 Puwede bang mamahala ang napopoot sa katarungan?
Ang isa ba na makapangyarihan at matuwid ay hahatulan mo?
18 Sasabihin mo ba sa hari, ‘Wala kang silbi,’
O sa mga tagapamahala, ‘Masasama kayo’?+
19 Ang Diyos ay hindi nagbibigay ng espesyal na pabor sa matataas na opisyal,
At wala siyang kinikilingan sa mayaman at mahirap,*+
Dahil silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay.+
20 Puwede silang mamatay nang biglaan,+ sa kalaliman ng gabi;+
Nangingisay sila at pumapanaw;
Kahit ang makapangyarihan ay puwedeng alisin, pero hindi sa pamamagitan ng kamay ng tao.+
21 Dahil ang mga mata ng Diyos ay nakatingin sa landasin ng tao,+
At nakikita niya ang lahat ng hakbang nito.
23 Dahil ang Diyos ay hindi nagtakda ng panahon
Kung kailan haharap sa kaniya ang sinumang tao para mahatulan.
24 Inaalis niya ang mga makapangyarihan nang hindi na kailangang mag-imbestiga,
At naglalagay siya ng iba sa puwesto nila.+
26 Dahil sa kasamaan nila, sinasaktan niya sila
Sa lugar na makikita ng lahat,+
27 Dahil tumigil sila sa pagsunod sa kaniya+
At binabale-wala nila ang lahat ng daan niya;+
28 Dumaraing sa kaniya ang mahihirap dahil sa kanila,
Kaya dinirinig niya ang daing ng mga walang kalaban-laban.+
29 Kapag nananatiling tahimik ang Diyos, sino ang makahahatol sa kaniya?
Kapag itinatago niya ang kaniyang mukha, sino ang makakakita sa kaniya?
Ginagawa man niya iyon laban sa isang bansa o tao, pareho lang ang resulta:
30 Ang isang di-makadiyos* ay hindi makapamamahala+
O makapaglalagay ng bitag para sa mga tao.
31 May magsasabi ba sa Diyos,
‘Pinarusahan ako kahit wala naman akong ginawang mali;+
32 Sabihin mo sa akin kung ano ang hindi ko nakikita;
Kung may nagawa akong mali, hindi ko na iyon uulitin’?
33 Dapat ka ba niyang gantimpalaan ayon sa gusto mo gayong tinatanggihan mo ang hatol niya?
Ikaw ang magpasiya, hindi ako.
Kaya sabihin mo sa akin kung ano ang alam mo.