Mga Kawikaan
2 Kung paanong may dahilan ang pagtakas ng ibon at paglipad ng langay-langayan,*
May dahilan din kung bakit dumarating ang sumpa.*
4 Huwag mong sagutin ang mangmang ayon sa kamangmangan niya
Para hindi mo maibaba ang sarili mo sa kalagayan niya.*
6 Kung ipinagkatiwala ng sinuman ang mga bagay-bagay sa isang mangmang,
Para na rin niyang pinutol ang mga paa niya at pininsala ang sarili niya.
9 Gaya ng matinik na halaman sa kamay ng lasenggo
Ang isang kawikaan sa bibig ng mga mangmang.
12 Nakakita ka na ba ng taong nag-iisip na marunong siya?+
Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kaniya.
15 Ang kamay ng tamad ay dumadampot ng pagkain sa mangkok,
Pero pagod na pagod siya para isubo pa ito sa bibig niya.+
16 Iniisip ng tamad na mas marunong siya
Kaysa sa pitong taong nagbibigay ng mahusay na pangangatuwiran.
17 Gaya ng taong sumusunggab sa mga tainga ng aso
Ang taong napadaan lang at nagagalit dahil* sa away ng iba.+
18 Gaya ng baliw na nagpapahilagpos ng nagliliyab na mga sibat at nakamamatay na palaso*
19 Ang taong pinagkakatuwaan ang* kapuwa niya at sinasabi, “Nagbibiro lang ako!”+
20 Kapag walang kahoy, namamatay ang apoy,
At kapag walang maninirang-puri, natitigil ang pagtatalo.+
21 Gaya ng uling para sa mga baga at kahoy para sa apoy
22 Ang pananalita ng maninirang-puri ay gaya ng masarap na pagkain;*
Nilululon iyon agad at dumederetso sa tiyan.+
23 Gaya ng pampakintab na pilak sa isang piraso ng palayok
24 Itinatago ng tao ang kaniyang poot sa pamamagitan ng mga labi niya,
Pero may panlilinlang sa loob niya.
25 Kahit mabait siyang magsalita, huwag kang magtiwala sa kaniya,
Dahil may pitong kasuklam-suklam na bagay sa puso niya.*
26 Bagaman ang poot niya ay naitatago ng panlilinlang,
Ang kasamaan niya ay ilalantad sa kongregasyon.