Awit ni Asap.+
82 Ang Diyos ay pumuwesto sa banal na kapulungan;+
Humahatol siya sa gitna ng mga diyos:+
2 “Hanggang kailan kayo hahatol nang walang katarungan+
At kakampi sa masasama?+ (Selah)
3 Ipagtanggol ninyo ang mahihina at ang mga walang ama.+
Bigyan ninyo ng katarungan ang mga walang kalaban-laban at dukha.+
4 Iligtas ninyo ang mahihina at ang mahihirap;
Sagipin ninyo sila mula sa kamay ng masasama.”
5 Wala silang alam, at hindi sila nakauunawa;+
Lumalakad sila sa dilim;
Nayayanig ang lahat ng pundasyon ng lupa.+
6 “Sinabi ko, ‘Kayo ay mga diyos,+
Lahat kayo ay mga anak ng Kataas-taasan.
7 Pero mamamatay kayo gaya ng karaniwang mga tao;+
At babagsak kayo gaya ng iba pang matataas na opisyal!’”+
8 Kumilos ka, O Diyos, at hatulan mo ang lupa,+
Dahil ang lahat ng bansa ay sa iyo.