Habakuk
1 Isang mensahe na tinanggap ng propetang si Habakuk* sa pangitain:
2 O Jehova, hanggang kailan ako hihingi ng saklolo at hindi mo diringgin?+
Hanggang kailan ako makikiusap na iligtas mo ako sa karahasan at hindi ka kikilos?*+
3 Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan?
At bakit mo hinahayaan ang pang-aapi?
Bakit nasa harap ko ang pagkawasak at karahasan?
At bakit laganap ang pag-aaway at labanan?
4 Kaya ang kautusan ay nawawalan ng saysay,
At ang katarungan ay hindi nailalapat.
Pinapalibutan ng masasama ang mga matuwid;
Kaya ang katarungan ay napipilipit.+
5 “Tumingin kayo sa mga bansa at magbigay-pansin!
Matulala kayo at mamangha;
Dahil may mangyayari sa panahon ninyo
Na hindi ninyo paniniwalaan kahit sabihin pa ito sa inyo.+
Sinusuyod nila ang malalawak na lupain ng daigdig
Para mang-agaw ng mga tahanan.+
7 Nakakatakot sila at nakapangingilabot.
May sarili silang batas at awtoridad.*+
8 Ang mga kabayo nila ay mas matulin kaysa sa mga leopardo,
Kumakaripas ang mga kabayo nilang pandigma;
Ang mga kabayo nila ay nagmula pa sa malayo.
Bumubulusok silang gaya ng mga agila para mandagit ng makakain.+
9 Lahat sila ay dumating para maghasik ng karahasan.+
Para silang hanging silangan kapag sumasalakay nang sama-sama,+
At dinadakot nilang parang buhangin ang mga bihag nila.
Pinagtatawanan nila ang bawat tanggulan;+
Gumagawa sila ng lupang rampa para masakop ito.
11 Pagkatapos, umaabante silang gaya ng hangin at dumadaan,
Pero mananagot sila,+
Dahil sinasabi nilang galing sa diyos nila ang kapangyarihan nila.”*+
12 Hindi ba ikaw ay mula sa walang hanggan, O Jehova?+
O aking Diyos, aking Banal na Diyos, hindi ka namamatay.*+
13 Napakadalisay ng iyong mga mata para tumingin sa masasamang bagay,
At hindi mo matitiis ang kasamaan.+
Kaya bakit mo hinahayaan ang mga taksil,+
At nananahimik ka kapag nilalamon ng masamang tao ang mas matuwid sa kaniya?+
14 Bakit mo ginagawang gaya ng mga isda sa dagat ang tao,
Gaya ng mga gumagapang na nilikha na walang tagapamahala?
15 Lahat ng ito ay iniaahon niya* sa pamamagitan ng kawil.
Hinuhuli niya sila sa kaniyang lambat,
At tinitipon niya sila sa kaniyang lambat na pangisda.
Kaya naman nagsasaya siya nang husto.+
16 Kaya naman naghahandog siya ng mga hain sa kaniyang lambat
At nagbibigay ng handog* sa kaniyang lambat na pangisda;
Dahil sa pamamagitan ng mga iyon,
Ang pagkain niya ay sagana* at piling-pili.
17 Patuloy ba niyang aalisan ng huli ang kaniyang lambat?*
Patuloy ba niyang lilipulin nang walang awa ang mga bansa?+