Isaias
Si Jehova ay nakasakay sa isang ulap na matulin, at papunta siya sa Ehipto.
Ang walang-silbing mga diyos ng Ehipto ay manginginig sa harap niya,+
At matutunaw ang puso ng Ehipto.
2 “Uudyukan ko ang mga Ehipsiyo na maglaban-laban,
At didigmain nila ang isa’t isa,
Ang bawat isa laban sa kaniyang kapatid at sa kaniyang kapuwa,
Lunsod laban sa lunsod, kaharian laban sa kaharian.
Aasa sila sa walang-silbing mga diyos,
Sa mga engkantador at sa mga espiritista at sa mga manghuhula.+
4 Ibibigay ko ang Ehipto sa kamay ng isang malupit na panginoon,
At isang mabagsik na hari ang mamamahala sa kanila,”+ ang sabi ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.
6 At ang mga ilog ay babaho;
Ang mga kanal ng Nilo ng Ehipto ay bababaw at matutuyo.
Ang mga tambo at matataas na damo ay mabubulok.+
7 Ang mga halaman sa kahabaan ng Ilog Nilo, sa may bukana ng Nilo,
At ang buong lupain na nahasikan ng binhi sa kahabaan ng Nilo+ ay matutuyo.+
Liliparin iyon ng hangin at mawawala na.
8 At ang mga mangingisda ay magdadalamhati,
Ang mga naghahagis ng kawil sa Nilo ay mamimighati,
At ang mga naghuhulog ng lambat sa tubig ay mangangaunti.
9 Ang mga gumagawa ng tela mula sa sinuklay na lino+
At ang mga gumagawa ng puting tela sa habihan ay mapapahiya.
10 Ang mga manghahabi niya ay manlulumo;
Ang lahat ng upahang trabahador ay mamimighati.
11 Ang matataas na opisyal ng Zoan+ ay mangmang.
Ang pinakamatatalino sa mga tagapayo ng Paraon ay nagbibigay ng di-makatuwirang payo.+
Paano ninyo nasasabi sa Paraon:
“Inapo ako ng marurunong,
Galing sa lahi ng sinaunang mga hari”?
12 Nasaan ngayon ang matatalino mong tao?+
Tanungin mo kung alam nila ang ipinasiya ni Jehova ng mga hukbo may kinalaman sa Ehipto.
13 Ang matataas na opisyal ng Zoan ay gumawa ng kamangmangan;
Ang matataas na opisyal ng Nop*+ ay nadaya;
Iniligaw ng mga pinuno ng kaniyang mga tribo ang Ehipto.
At inililigaw nila ang Ehipto sa anumang ginagawa niya,
Gaya ng isang lasing na sumusuray-suray sa kaniyang suka.
15 At walang anumang magagawa ang Ehipto,
Ang ulo man o ang buntot, ang supang* man o ang matataas na damo.*
16 Sa araw na iyon, ang Ehipto ay magiging gaya ng mga babae, na nanginginig at natatakot dahil nakaamba sa kaniya ang kamay ni Jehova ng mga hukbo.+ 17 At ang lupain ng Juda ay katatakutan ng Ehipto. Banggitin lang iyon ay matatakot na sila dahil sa pasiya ni Jehova ng mga hukbo laban sa kanila.+
18 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng limang lunsod sa lupain ng Ehipto na nagsasalita ng wika ng Canaan+ at nanunumpa ng katapatan kay Jehova ng mga hukbo. Ang isang lunsod ay tatawaging Lunsod ng Pagkagiba.
19 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng isang altar para kay Jehova sa gitna ng lupain ng Ehipto at ng isang haligi para kay Jehova sa hangganan nito. 20 At iyon ay magiging isang tanda at isang patotoo para kay Jehova ng mga hukbo sa lupain ng Ehipto; dahil daraing sila kay Jehova sa ginagawa ng mga mang-aapi, at magsusugo siya sa kanila ng tagapagligtas, isang dakila, na magliligtas sa kanila. 21 At isisiwalat ni Jehova ang sarili niya sa mga Ehipsiyo, at makikilala ng mga Ehipsiyo si Jehova sa araw na iyon, at maghahandog sila at magbibigay ng mga kaloob at mananata kay Jehova at tutuparin iyon. 22 Sasaktan ni Jehova ang Ehipto.+ Sasaktan niya ito at pagagalingin; at manunumbalik sila kay Jehova, at makikinig siya sa pagsusumamo nila at pagagalingin niya sila.
23 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng lansangang-bayan+ mula sa Ehipto papunta sa Asirya. At pupunta ang Asirya sa Ehipto, at ang Ehipto sa Asirya, at maglilingkod sa Diyos ang Ehipto kasama ng Asirya. 24 Sa araw na iyon, ang Israel ay magiging pangatlo kasama ng Ehipto at Asirya,+ isang pagpapala sa gitna ng lupa, 25 dahil pagpapalain iyon ni Jehova ng mga hukbo. Sasabihin niya: “Pagpalain ang aking bayan, ang Ehipto, at ang gawa ng aking mga kamay, ang Asirya, at ang aking mana, ang Israel.”+