Amos
6 “Kaawa-awa ang mga kampante sa Sion,
Ang mga panatag sa bundok ng Samaria,+
Ang mga prominenteng tao sa pangunahing bansa,
Ang mga pinupuntahan ng sambahayan ng Israel!
2 Pumunta kayo sa Calne at tingnan ninyo iyon.
Mula roon ay magpunta kayo sa dakilang lunsod ng Hamat,+
At bumaba kayo sa Gat ng mga Filisteo.
Mas mabuti ba ang mga iyon kaysa sa mga kahariang ito,*
O mas malaki ba ang teritoryo nila kaysa sa teritoryo ninyo?
4 Humihiga sila sa mga kamang yari sa garing*+ at humihilata sa mga higaan+
At kumakain ng mga barakong tupa mula sa kawan at ng mga pinatabang guya;*+
5 Kumakatha sila ng mga awit sa saliw ng alpa,*+
At gaya ni David, nag-iimbento sila ng mga instrumentong pangmusika;+
6 Umiinom sila ng alak sa mga mangkok,+
At pinapahiran nila ang sarili nila ng pinakapiling mga langis.
Pero wala silang pakialam* sa kasakunaan ng Jose.+
7 Kaya mauuna silang ipatapon,+
At ang walang-patumanggang pagsasaya ng mga nakahilata ay magwawakas.
8 ‘Ipinanumpa ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ang sarili niya,’+ ang sabi ni Jehova na Diyos ng mga hukbo,
‘“Nasusuklam ako sa pagmamataas ng Jacob,+
Napopoot ako sa kaniyang matitibay na tore,+
At ibibigay ko sa kaaway ang lunsod at ang lahat ng naroroon.+
9 “‘“At kung 10 lalaki ang maiwan sa isang bahay, mamamatay rin sila. 10 Bubuhatin sila ng isang kamag-anak* at isa-isa silang susunugin. Ilalabas niya sa bahay ang mga buto nila; pagkatapos, sasabihin niya sa sinumang nasa mga silid ng bahay, ‘May kasama ka pa ba?’ At sasabihin nito, ‘Wala na!’ Pagkatapos ay sasabihin niya, ‘Huwag ka nang magsalita! Dahil hindi ito ang panahon para banggitin ang pangalan ni Jehova.’”
11 Dahil si Jehova ang nag-uutos,+
At ang malaking bahay ay paguguhuin niya,
At ang maliit na bahay ay wawasakin niya.+
12 Tumatakbo ba ang mga kabayo sa ibabaw ng malaking bato,
O may mag-aararo ba roon sa pamamagitan ng mga baka?
Dahil ang katarungan ay ginawa ninyong nakalalasong halaman,