Ikalawang Samuel
23 Ito ang mga huling salita ni David:+
“Ang salita ni David na anak ni Jesse,+
At ang salita ng lalaking dinakila,+
‘Kapag ang namamahala sa sangkatauhan ay matuwid,+
Na namamahalang may takot sa Diyos,+
4 Gaya iyon ng liwanag sa umaga pagsikat ng araw,+
Isang umagang maaliwalas.*
Gaya iyon ng liwanag pagkatapos ng ulan,
Na nagpapasibol ng mga damo sa lupa.’+
5 Hindi ba ganiyan ang sambahayan ko sa harap ng Diyos?
Dahil nakipagtipan siya sa akin ng isang walang-hanggang tipan,+
Matatag at inayos ang bawat detalye.
Dahil iyon ang aking ganap na kaligtasan at ang aking buong kaluguran,
Hindi ba palalaguin niya iyon?+
6 Pero ang lahat ng walang-kuwentang tao ay itinatapon,+ gaya ng matitinik na halaman*
Na hindi mahawakan.
7 Kapag hihipuin sila ng isang tao,
Dapat na lubusan siyang nasasandatahan ng bakal at sibat,
At sila ay dapat sunugin nang lubusan sa kinaroroonan nila.”
8 Ito ang mga pangalan ng malalakas na mandirigma ni David:+ Joseb-basebet na isang Takemonita at ang pinuno sa tatlo.+ Sa isang pagkakataon, pumatay siya ng 800 gamit ang kaniyang sibat. 9 Sumunod sa kaniya si Eleazar+ na anak ni Dodo+ na anak ni Ahohi. Kabilang siya sa tatlong malalakas na mandirigmang kasama ni David nang tuyain nila ang mga Filisteo. Nagtipon sila para makipagdigma, at nang umurong ang mga lalaki ng Israel, 10 hindi siya natinag kundi patuloy niyang pinabagsak ang mga Filisteo hanggang sa mapagod ang mga braso niya at mangawit ang kamay niya sa paghawak sa espada.+ Binigyan sila ni Jehova ng malaking tagumpay* nang araw na iyon;+ at bumalik ang bayan at sumunod sa kaniya para kunin ang pag-aari ng mga napatay.
11 Sumunod sa kaniya si Shamah na anak ni Agee na Hararita. Nagtipon ang mga Filisteo sa Lehi, kung saan may isang bukid na punô ng lentehas; at tumakas ang bayan dahil sa mga Filisteo. 12 Pero hindi siya natinag sa gitna ng bukid kundi ipinagtanggol niya iyon at pinabagsak ang mga Filisteo, kaya binigyan sila ni Jehova ng malaking tagumpay.*+
13 Tatlo sa 30 pinuno ang pumunta kay David sa kuweba ng Adulam+ sa panahon ng pag-aani, at isang grupo ng mga Filisteo ang nagkakampo sa Lambak* ng Repaim.+ 14 Si David noon ay nasa kuta,+ at isang himpilan ng mga Filisteo ang nasa Betlehem. 15 Pagkatapos, sinabi ni David: “Makainom sana ako ng tubig mula sa imbakan ng tubig na nasa pintuang-daan ng Betlehem!” 16 Kaya pinasok ng tatlong malalakas na mandirigma ang kampo ng mga Filisteo at sumalok sila ng tubig mula sa imbakan na nasa pintuang-daan ng Betlehem at dinala ito kay David; pero ayaw niyang inumin iyon, sa halip, ibinuhos niya iyon para kay Jehova.+ 17 Sinabi niya: “O Jehova, hinding-hindi ko magagawang inumin ang dugo+ ng mga lalaking nagsapanganib ng buhay nila!” Kaya hindi niya iyon ininom. Ito ang mga ginawa ng kaniyang tatlong malalakas na mandirigma.
18 Si Abisai+ na kapatid ni Joab na anak ni Zeruias+ ang pinuno sa isa pang tatlo; pumatay siya ng 300 gamit ang kaniyang sibat, at siya ay may reputasyon na gaya ng sa tatlo.+ 19 Kahit na siya ang pinakakilala sa isa pang tatlo at siya ang pinuno nila, hindi niya napantayan ang unang tatlo.
20 Si Benaias+ na anak ni Jehoiada ay isang matapang na lalaki* na maraming ulit na nagpakita ng kagitingan sa Kabzeel.+ Pinabagsak niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab, at nang isang araw na umuulan ng niyebe, bumaba siya sa isang balon at pumatay ng leon.+ 21 Pinabagsak din niya ang isang lalaking Ehipsiyo na pambihira ang laki. May hawak na sibat ang Ehipsiyo, pero sinugod niya ito hawak ang isang pamalo at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipsiyo at pinatay ito gamit ang sarili nitong sibat. 22 Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Jehoiada, at may reputasyon siya na gaya ng sa tatlong malalakas na mandirigma. 23 Kahit mas kilala siya kaysa sa tatlumpu, hindi niya napantayan ang tatlo. Pero inatasan siya ni David na mamuno sa sarili nitong mga guwardiya.
24 Si Asahel+ na kapatid ni Joab ay kabilang sa tatlumpu, pati na si Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem,+ 25 si Shamah na Harodita, si Elika na Harodita, 26 si Helez+ na Paltita, si Ira+ na anak ni Ikes na Tekoita, 27 si Abi-ezer+ na Anatotita,+ si Mebunai na Husatita, 28 si Zalmon na Ahohita, si Maharai+ na Netopatita, 29 si Heleb na anak ni Baanah na Netopatita, si Ittai na anak ni Ribai ng Gibeah ng mga Benjaminita, 30 si Benaias+ na isang Piratonita, si Hidai na mula sa mga wadi* ng Gaas,+ 31 si Abi-albon na Arbatita, si Azmavet na Bar-humita, 32 si Eliaba na Saalbonita, ang mga anak ni Jasen, si Jonatan, 33 si Shamah na Hararita, si Ahiam na anak ni Sarar na Hararita, 34 si Elipelet na anak ni Ahasbai na anak ng Maacateo, si Eliam na anak ni Ahitopel+ na Gilonita, 35 si Hezro na Carmelita, si Paarai na Arbita, 36 si Igal na anak ni Natan ng Zoba, si Bani na Gadita, 37 si Zelek na Ammonita, si Naharai na Beerotita at tagapagdala ng sandata ni Joab na anak ni Zeruias, 38 si Ira na Itrita, si Gareb na Itrita,+ 39 at si Uria+ na Hiteo—37 lahat.