Josue
13 Ngayon ay matanda na si Josue at malapit nang mamatay.+ Kaya sinabi ni Jehova sa kaniya: “May-edad ka na at ilang taon na lang ang natitira sa buhay mo; pero malaking bahagi ng lupain ang hindi pa nasasakop. 2 Ito pa ang lupaing natitira:+ ang lahat ng rehiyon ng mga Filisteo at ng lahat ng Gesurita+ 3 (mula sa sanga ng Nilo* na nasa silangan* ng Ehipto hanggang sa hangganan ng Ekron sa hilaga, na dating itinuturing na teritoryo ng mga Canaanita)+ kasama ang rehiyon ng limang panginoon ng mga Filisteo+—mga Gazita, mga Asdodita,+ mga Askelonita,+ mga Giteo,+ at mga Ekronita;+ ang rehiyon ng mga Avim+ 4 sa timog; ang buong lupain ng mga Canaanita; ang Meara, na pag-aari ng mga Sidonio,+ hanggang sa Apek, sa hangganan ng mga Amorita; 5 ang lupain ng mga Gebalita+ at ang buong silangan ng Lebanon, mula sa Baal-gad sa paanan ng Bundok Hermon hanggang sa Lebo-hamat;*+ 6 ang lahat ng nakatira sa mabundok na rehiyon mula sa Lebanon+ hanggang sa Misrepot-maim;+ at ang lahat ng Sidonio.+ Itataboy ko sila mula* sa harap ng mga Israelita.+ Ang gagawin mo lang ay hati-hatiin ang lupain para sa Israel bilang mana, gaya ng iniutos ko sa iyo.+ 7 Ngayon ay hati-hatiin mo ang lupaing ito bilang mana para sa siyam na tribo at sa kalahati ng tribo ni Manases.”+
8 Kasama ng kalahati pang tribo,* kinuha ng mga Rubenita at ng mga Gadita ang mana nila na ibinigay sa kanila ni Moises sa silangan ng Jordan, gaya ng itinakda sa kanila ni Moises na lingkod ni Jehova:+ 9 mula sa Aroer,+ na nasa gilid ng Lambak* ng Arnon,+ at ang lunsod na nasa gitna ng lambak, at ang buong talampas ng Medeba hanggang sa Dibon; 10 at ang lahat ng lunsod ni Haring Sihon ng mga Amorita, na namahala sa Hesbon, hanggang sa hangganan ng mga Ammonita;+ 11 pati ang Gilead at ang teritoryo ng mga Gesurita at ng mga Maacateo+ at ang buong Bundok Hermon at ang buong Basan+ hanggang sa Saleca;+ 12 ang buong kaharian ni Og sa Basan, na namahala sa Astarot at sa Edrei. (Isa siya sa mga huling Repaim.)+ Tinalo sila ni Moises at itinaboy.*+ 13 Pero hindi itinaboy ng mga Israelita+ ang mga Gesurita at ang mga Maacateo, kaya naninirahan ang mga ito sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.
14 Ang tribo lang ng mga Levita ang hindi niya binigyan ng mana.+ Ang mga handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova na Diyos ng Israel ang kanilang mana,+ gaya ng ipinangako niya sa kanila.+
15 Pagkatapos, ang tribo ng mga Rubenita ay binigyan ni Moises ng mana na hinati sa kani-kanilang pamilya, 16 at ang teritoryo nila ay mula sa Aroer, na nasa pampang ng Lambak* ng Arnon, at ang lunsod na nasa gitna ng lambak, at ang buong talampas malapit sa Medeba; 17 ang Hesbon at ang lahat ng bayan nito+ na nasa talampas, ang Dibon, ang Bamot-baal, at ang Bet-baal-meon,+ 18 ang Jahaz,+ ang Kedemot,+ ang Mepaat,+ 19 ang Kiriataim, ang Sibma,+ at ang Zeret-sahar sa bundok malapit sa lambak,* 20 ang Bet-peor, ang mga dalisdis ng Pisga,+ ang Bet-jesimot,+ 21 ang lahat ng lunsod na nasa talampas, at ang buong nasasakupan ni Haring Sihon ng mga Amorita, na namahala sa Hesbon.+ Tinalo siya ni Moises,+ pati ang mga pinunong Midianita na sina Evi, Rekem, Zur, Hur, at Reba,+ na mga basalyo* ni Sihon na nakatira sa lupain. 22 Si Balaam+ na anak ni Beor, ang manghuhula,+ ay kasama sa mga pinatay ng mga Israelita sa pamamagitan ng espada. 23 Ang hangganan ng mga Rubenita ay ang Jordan; at ang teritoryong ito ang mana ng mga Rubenita na hinati sa kani-kanilang pamilya, kasama ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
24 Karagdagan pa, ang tribo ni Gad, ang mga Gadita, ay binigyan ni Moises ng mana na hinati sa kani-kanilang pamilya, 25 at kasama sa teritoryo nila ang Jazer+ at ang lahat ng lunsod ng Gilead at ang kalahati ng lupain ng mga Ammonita+ hanggang sa Aroer, na nasa tapat ng Raba;+ 26 at mula sa Hesbon+ hanggang sa Ramat-mizpe at Betonim, at mula sa Mahanaim+ hanggang sa hangganan ng Debir; 27 at sa lambak,* ang Bet-haram, Bet-nimra,+ Sucot,+ at Zapon, na natitira sa nasasakupan ni Haring Sihon ng Hesbon+ at ang hangganan ay ang Jordan mula sa timog ng Lawa ng Kineret*+ sa silangan ng Jordan. 28 Ito ang mana ng mga Gadita na hinati sa kani-kanilang pamilya, kasama ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
29 Karagdagan pa, ang kalahati ng tribo ni Manases ay binigyan ni Moises ng mana, na hinati sa kani-kanilang pamilya.+ 30 At ang teritoryo nila ay mula sa Mahanaim+ at ang buong Basan, ang buong nasasakupan ni Haring Og ng Basan, at ang lahat ng nayon* ng Jair+ sa Basan, 60 bayan. 31 At ang kalahati ng Gilead, at ang Astarot at ang Edrei,+ mga lunsod sa kaharian ni Og sa Basan, ay napunta sa mga anak ni Makir+ na anak ni Manases. Napunta ang mga ito sa kalahati ng mga anak ni Makir at hinati sa kani-kanilang pamilya.
32 Ang mga ito ang mana na ibinigay sa kanila ni Moises sa mga tigang na kapatagan ng Moab sa kabilang ibayo ng Jordan, sa silangan ng Jerico.+
33 Pero hindi binigyan ni Moises ng mana ang tribo ng mga Levita.+ Si Jehova na Diyos ng Israel ang kanilang mana, gaya ng ipinangako niya sa kanila.+