Josue
19 Sa ikalawang palabunutan,+ ang mana ay napunta kay Simeon,+ sa mga pamilya sa tribo ni Simeon. At ang kanilang mana ay nasa loob ng lupaing minana ng tribo ni Juda.+ 2 Ang mana nila ay ang Beer-sheba+ kasama ang Sheba, Molada,+ 3 Hazar-sual,+ Bala, Ezem,+ 4 Eltolad,+ Betul, Horma, 5 Ziklag,+ Bet-marcabot, Hazar-susa, 6 Bet-lebaot,+ at Saruhen—13 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito; 7 ang Ain, Rimon, Eter, at Asan+—apat na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito; 8 at ang lahat ng pamayanang nasa palibot ng mga lunsod na ito hanggang sa Baalat-beer, ang Rama ng timog. Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Simeon. 9 Ang mana ng mga inapo ni Simeon ay kinuha sa parte ni Juda dahil ang napunta sa tribo ni Juda ay napakalaki para sa kanila. Kaya ang mga inapo ni Simeon ay tumanggap ng lupa sa loob ng teritoryong minana nila.+
10 Sa ikatlong palabunutan,+ ang mana ay napunta sa mga pamilya sa tribo ni Zebulon,+ at ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid. 11 Ang hangganan nila ay aakyat pakanluran sa Mareal at aabot sa Dabeset papunta sa lambak* sa tapat ng Jokneam. 12 At mula sa Sarid, pasilangan ito sa sikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Kislot-tabor papuntang Daberat+ at paakyat ng Japia. 13 At mula roon, magpapatuloy ito pasilangan sa sikatan ng araw sa Gat-heper,+ papuntang Et-kazin at Rimon hanggang sa Nea. 14 Mula sa hilaga, ang hangganan ay liliko sa Hanaton, at ang dulo nito ay sa Lambak ng Ipta-el, 15 at sa Katat, Nahalal, Simron,+ Idala, at Betlehem+—12 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 16 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Zebulon.+ Ito ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
17 Sa ikaapat na palabunutan,+ ang mana ay napunta kay Isacar,+ sa mga pamilya sa tribo ni Isacar. 18 At ang kanilang hangganan ay ang Jezreel,+ Kesulot, Sunem,+ 19 Haparaim, Shion, Anaharat, 20 Rabit, Kision, Ebez, 21 Remet, En-ganim,+ En-hada, at Bet-pazez. 22 At ang hangganan ay umabot sa Tabor+ at Sahazuma at Bet-semes, at ang dulo ng hangganan nila ay ang Jordan—16 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 23 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Isacar,+ ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
24 Sa ikalimang palabunutan,+ ang mana ay napunta sa mga pamilya sa tribo ni Aser.+ 25 At ang kanilang hangganan ay ang Helkat,+ Hali, Beten, Acsap, 26 Alamelec, Amad, at Misal. Aabot ito sa kanluran sa Carmel+ at sa Sihor-libnat, 27 at babalik ito pasilangan sa Bet-dagon at aabot sa Zebulon at sa Lambak ng Ipta-el sa hilaga, hanggang sa Bet-emek at sa Neiel, at kakaliwa sa Cabul, 28 at sa Ebron, Rehob, Hammon, at Kana hanggang sa dakilang lunsod ng Sidon.+ 29 At ang hangganan ay babalik sa Rama hanggang sa napapaderang* lunsod ng Tiro.+ Pagkatapos, ang hangganan ay babalik sa Hosa, at ang dulo nito ay sa dagat sa rehiyon ng Aczib, 30 Uma, Apek,+ Rehob+—22 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 31 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Aser.+ Ito ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
32 Sa ikaanim na palabunutan,+ ang mana ay napunta sa mga inapo ni Neptali, sa mga pamilya sa tribo ni Neptali. 33 Ang hangganan nila ay mula sa Helep, mula sa malaking puno sa Zaananim,+ at sa Adami-nekeb at sa Jabneel hanggang sa Lakum; at ang dulo nito ay sa Jordan. 34 Ang hangganan ay babalik pakanluran sa Aznot-tabor at magpapatuloy sa Hukkok at aabot sa Zebulon sa timog. Ang hangganan nila sa kanluran ay aabot sa Aser at ang hangganan nila sa silangan ay aabot sa Juda sa Jordan. 35 At ang mga napapaderang lunsod ay ang Zidim, Zer, Hammat,+ Rakat, Kineret, 36 Adama, Rama, Hazor,+ 37 Kedes,+ Edrei, En-hazor, 38 Yiron, Migdal-el, Horem, Bet-anat, at Bet-semes+—19 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 39 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Neptali,+ ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
40 Sa ikapitong palabunutan,+ ang mana ay napunta sa mga pamilya sa tribo ni Dan.+ 41 At ang hangganan ng kanilang mana ay ang Zora,+ Estaol, Ir-semes, 42 Saalabin,+ Aijalon,+ Itla, 43 Elon, Timnah,+ Ekron,+ 44 Eltekeh, Gibeton,+ Baalat, 45 Jehud, Bene-berak, Gat-rimon,+ 46 Me-jarkon, at Rakon, na ang hangganan ay nasa tapat ng Jope.+ 47 Pero ang teritoryo ni Dan ay napakasikip para sa kanila.+ Kaya nakipagdigma sila sa Lesem+ at sinakop iyon at pinabagsak iyon sa pamamagitan ng espada. Pagkatapos, kinuha nila iyon at nanirahan sila roon, at ang Lesem ay pinalitan nila ng pangalang Dan, ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ninuno.+ 48 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Dan. Ito ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
49 Natapos nilang hati-hatiin ang minana nilang lupain. Pagkatapos, binigyan ng mga Israelita si Josue na anak ni Nun ng mana sa lupain nila. 50 Sa utos ni Jehova ay ibinigay nila sa kaniya ang lunsod na hiningi niya, ang Timnat-sera,+ sa mabundok na rehiyon ng Efraim. Itinayo niya ang lunsod at dito siya tumira.
51 Ito ang mga mana na ipinamahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun at ng mga ulo ng angkan sa mga tribo ni Israel+ sa pamamagitan ng palabunutan sa Shilo+ sa harap ni Jehova, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ Kaya natapos nila ang paghahati-hati ng lupain.