Ikalawang Samuel
3 Nagtagal ang digmaan sa pagitan ng sambahayan ni Saul at ng sambahayan ni David. Patuloy na lumakas si David+ at humina naman nang humina ang sambahayan ni Saul.+
2 Samantala, nagkaroon si David ng mga anak na lalaki sa Hebron.+ Ang panganay niya ay si Amnon,+ kay Ahinoam+ ng Jezreel. 3 Ang ikalawa niya ay si Kileab kay Abigail+ na biyuda ni Nabal na Carmelita, at ang ikatlo ay si Absalom+ na anak ni Maaca, na anak ni Talmai+ na hari ng Gesur. 4 Ang ikaapat ay si Adonias+ na anak ni Hagit, at ang ikalima ay si Sepatias na anak ni Abital. 5 Ang ikaanim ay si Itream, na anak ni David kay Egla. Ito ang mga naging anak ni David sa Hebron.
6 Habang nagpapatuloy ang digmaan sa pagitan ng sambahayan ni Saul at ng sambahayan ni David, patuloy namang pinalalakas ni Abner+ ang katayuan niya sa sambahayan ni Saul. 7 Si Saul ay nagkaroon noon ng pangalawahing asawa na ang pangalan ay Rizpa,+ na anak ni Aias. Nang maglaon, sinabi ni Is-boset+ kay Abner: “Bakit mo sinipingan ang asawa ng aking ama?”+ 8 Galit na galit si Abner sa sinabi ni Is-boset. Sinabi ni Abner: “Isa ba akong aso* mula sa Juda? Hanggang sa araw na ito, nagpapakita ako ng tapat na pag-ibig sa sambahayan ng ama mong si Saul at sa mga kapatid at kaibigan niya, at hindi kita tinraidor at ibinigay sa kamay ni David. Pagkatapos ngayon, sisitahin mo ako dahil sa pagkakamali ko sa isang babae? 9 Bigyan nawa ng Diyos si Abner ng mabigat na parusa kung hindi ko gagawin para kay David ang ipinangako sa kaniya ni Jehova:+ 10 na ilipat ang kaharian mula sa sambahayan ni Saul at itatag ang trono ni David sa Israel at sa Juda, mula sa Dan hanggang sa Beer-sheba.”+ 11 Hindi na siya nakasagot kay Abner dahil sa takot niya rito.+
12 Agad na nagsugo si Abner ng mga mensahero para sabihin kay David: “Sino ang may-ari ng lupain?” Ipinasabi pa niya: “Makipagtipan ka sa akin, at gagawin ko ang buo kong makakaya* para pumanig sa iyo ang buong Israel.”+ 13 Sumagot si David: “Mabuti! Makikipagtipan ako sa iyo, pero sa isang kondisyon: Isama mo si Mical,+ na anak ni Saul, sa pagpunta mo rito. Kung hindi, huwag kang magpapakita sa akin.” 14 Pagkatapos, nagsugo si David ng mga mensahero para sabihin kay Is-boset+ na anak ni Saul: “Ibigay mo sa akin ang asawa kong si Mical, na ipinangako sa akin kapalit ng 100 dulong-balat ng mga Filisteo.”+ 15 Kaya ipinakuha siya ni Is-boset mula sa asawa niyang si Paltiel+ na anak ni Lais. 16 Pero ang asawa niya ay patuloy na naglakad kasama niya, at umiiyak ito habang sinusundan siya hanggang sa Bahurim.+ Pagkatapos, sinabi ni Abner kay Paltiel: “Umuwi ka na!” Kaya umuwi siya.
17 Samantala, nagpadala si Abner ng ganitong mensahe sa matatandang lalaki ng Israel: “Noon pa man, gusto ninyong maghari sa inyo si David. 18 Ngayon, kumilos kayo, dahil sinabi ni Jehova kay David: ‘Sa pamamagitan ng lingkod kong si David,+ ililigtas ko ang bayan kong Israel mula sa kamay ng mga Filisteo at mula sa kamay ng lahat ng kanilang kaaway.’” 19 Pagkatapos, nakipag-usap si Abner sa mga Benjaminita.+ Nakipag-usap din si Abner nang sarilinan kay David sa Hebron para sabihin sa kaniya kung ano ang napagkasunduan ng Israel at ng buong sambahayan ng Benjamin.
20 Pagdating ni Abner kay David sa Hebron kasama ang 20 tauhan niya, naghanda si David ng isang salusalo para kay Abner at para sa mga tauhan niya. 21 Sinabi ni Abner kay David: “Hayaan mo akong umalis at tipunin ang buong Israel sa panginoon kong hari, para makipagtipan sila sa iyo, at magiging hari ka sa buong bayan.”* Kaya pinayagan ni David na umalis si Abner, at lumakad itong payapa.
22 Pagkatapos, ang mga lingkod ni David at si Joab ay nagbalik mula sa isang pagsalakay, at napakarami nilang dalang samsam. Hindi na kasama ni David si Abner sa Hebron, dahil pinayagan na niya itong umalis nang payapa. 23 Pagdating ni Joab+ at ng buong hukbong kasama niya, may nagsabi kay Joab: “Si Abner+ na anak ni Ner+ ay nagpunta sa hari, at pinayagan siyang umalis ng hari, at lumakad na siyang payapa.” 24 Kaya pumunta si Joab sa hari at nagsabi: “Ano ang ginawa mo? Nagpunta na sa iyo si Abner. Bakit mo pa siya hinayaang makaalis? 25 Kilala mo naman si Abner na anak ni Ner! Nagpunta siya rito para lokohin ka at alamin ang bawat galaw mo at ang lahat ng ginagawa mo.”
26 Kaya iniwan ni Joab si David at nagsugo siya ng mga mensahero para habulin si Abner, at mula sa imbakan ng tubig ng Sira ay isinama nila ito pabalik; pero hindi iyon alam ni David. 27 Pagbalik ni Abner sa Hebron,+ dinala ito ni Joab sa loob ng pintuang-daan para kausapin nang sarilinan. Pero doon ay sinaksak niya ito sa tiyan, at namatay ito;+ para ito sa pagpatay sa* kapatid niyang si Asahel.+ 28 Nang mabalitaan ito ni David, sinabi niya: “Sa harap ni Jehova, ako at ang kaharian ko ay walang kasalanan sa pagpatay+ kay Abner na anak ni Ner. 29 Parusahan nawa si Joab+ at ang buong sambahayan ng ama niya. Ang sambahayan nawa ni Joab ay hindi mawalan ng lalaking may sakit sa ari*+ o ng ketongin+ o ng lalaking nag-iikid* o ng isa na pinatay sa pamamagitan ng espada o ng isa na kapos sa pagkain!”+ 30 Pinatay ni Joab at ng kapatid niyang si Abisai+ si Abner+ dahil pinatay nito ang kapatid nilang si Asahel sa labanan+ sa Gibeon.
31 Sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya: “Punitin ninyo ang inyong damit at magsuot* kayo ng telang-sako at hagulgulan ninyo si Abner.” Si Haring David mismo ay naglakad kasunod ng higaan ng patay. 32 Inilibing nila si Abner sa Hebron; at humagulgol ang hari sa libingan ni Abner, at umiyak ang buong bayan. 33 Inawit ng hari ang awit na ito ng pagdadalamhati:
“Dapat bang mamatay si Abner na gaya ng isang taong mangmang?
Bumagsak kang gaya ng isa na pinabagsak ng mga kriminal.”*+
At muli siyang iniyakan ng buong bayan.
35 Pagkatapos, ang buong bayan ay nagpunta kay David at binigyan nila siya ng tinapay para aliwin siya* habang araw pa, pero sumumpa si David: “Bigyan nawa ako ng Diyos ng mabigat na parusa kung titikim ako ng tinapay o ng kahit ano bago lumubog ang araw!”+ 36 Nakita iyon ng buong bayan, at ikinatuwa nila iyon, kung paanong natutuwa sila sa lahat ng ginagawa ng hari. 37 Kaya nang araw na iyon, nalaman ng buong bayan at ng buong Israel na walang kinalaman ang hari sa pagpatay kay Abner na anak ni Ner.+ 38 Pagkatapos, sinabi ng hari sa mga lingkod niya: “Hindi ba ninyo alam na isang pinuno at isang dakilang tao ang namatay sa araw na ito sa Israel?+ 39 Ngayon ay mahina ako, kahit pinili* bilang hari,+ at para sa akin, ang mga lalaking ito na mga anak ni Zeruias+ ay napakalupit.+ Pagbayarin nawa ni Jehova ang masama sa ginagawa niyang kasamaan.”+