Job
32 Kaya tumigil na ang tatlong lalaking ito sa pagsagot kay Job, dahil kumbinsido siyang matuwid siya.*+ 2 Pero galit na galit si Elihu na anak ni Barakel na Buzita+ na mula sa pamilya ni Ram. Nagalit siya nang husto kay Job dahil pinatutunayan nito na tama ang sarili niya imbes na ang Diyos.+ 3 Galit na galit din si Elihu sa tatlong kasamahan ni Job dahil hindi sila nakapagbigay ng tamang sagot; sa halip, sinasabi nilang masama ang Diyos.+ 4 Naghihintay si Elihu ng pagkakataong makasagot kay Job, dahil mas matanda sila sa kaniya.+ 5 Nang makita ni Elihu na wala nang maisagot ang tatlong lalaki, lalo pa siyang nagalit. 6 Kaya nagsalita si Elihu na anak ni Barakel na Buzita:
“Bata ako
At kayo ay matatanda na.+
Kaya bilang paggalang ay nagpigil ako,+
At hindi ako nangahas na magsabi ng nalalaman ko.
7 Inisip ko, ‘Ang matatanda ang dapat magsalita,
At ang nabuhay na nang maraming taon ang dapat maghayag ng karunungan.’
8 Pero ang espiritu na ibinibigay ng Diyos,
Ang hininga ng Makapangyarihan-sa-Lahat, ang nagbibigay ng unawa sa tao.+
11 Hinintay ko ang mga sasabihin ninyo;
Matiyaga akong nakinig sa mga pangangatuwiran ninyo+
Habang naghahagilap kayo ng sasabihin.+
12 Pinakinggan ko kayong mabuti,
Pero walang sinuman sa inyo ang makapagpatunay na mali si* Job
O makasagot sa mga argumento niya.
13 Kaya huwag ninyong sasabihin, ‘Natagpuan namin ang karunungan;
Diyos ang sumasaway sa kaniya, hindi tao.’
14 Hindi laban sa akin ang mga sinabi ni Job,
Kaya hindi ko siya sasagutin gamit ang mga argumento ninyo.
15 Nadismaya sila, wala na silang maisagot;
Wala na silang masabi.
16 Naghintay ako, pero hindi na sila nagsalita;
Nakatayo na lang sila at hindi kumikibo.
17 Kaya sasagot na rin ako;
Sasabihin ko rin ang nalalaman ko,
18 Dahil marami akong sasabihin;
Inuudyukan ako ng espiritu.
20 Hayaan ninyo akong magsalita para maginhawahan ako!
Ibubuka ko ang bibig ko at sasagot ako.