Mga Awit
IKALAWANG AKLAT
(Awit 42-72)
Sa direktor. Maskil* ng mga anak ni Kora.+
42 Gaya ng usa na nananabik sa mga batis,
Gayon ako nananabik sa iyo, O Diyos.
2 Nauuhaw ako sa Diyos, sa Diyos na buháy.+
Kailan ako maaaring pumunta at humarap sa Diyos?+
3 Ang mga luha ko ang naging pagkain ko araw at gabi;
Buong araw akong tinutuya ng mga tao: “Nasaan ang Diyos mo?”+
4 Ibinubuhos ko ang laman ng puso ko kapag naaalaala ko ang mga bagay na ito:
Lumalakad ako noon na kasama ng karamihan;
Taimtim* akong lumalakad sa unahan nila papunta sa bahay ng Diyos,
At maririnig ang pagsasaya at pagpapasalamat
Ng maraming taong nagdiriwang ng kapistahan.+
Bakit naghihirap ang kalooban ko?
6 O Diyos ko, napakalungkot ko.+
7 Sa lagaslas ng iyong mga talon
Ay tumatawag ang malalim na katubigan sa malalim na katubigan.
Natabunan ako ng lahat ng dumadaluyong mong alon.+
8 Sa araw ay ipapakita sa akin ni Jehova ang kaniyang tapat na pag-ibig,
At sa gabi ay aawit ako tungkol sa kaniya—isang panalangin sa Diyos ng aking buhay.+
9 Sasabihin ko sa Diyos, na aking malaking bato:
“Bakit mo ako kinalimutan?+
Bakit kailangan kong maglakad nang malungkot dahil sa pagpapahirap ng kaaway ko?”+
10 Tinutuya ako ng mga kaaway ko nang may matinding pagkapoot;*
Buong araw nila akong tinutuya: “Nasaan ang Diyos mo?”+
11 Bakit napakalungkot ko?
Bakit naghihirap ang kalooban ko?