Job
30 “Ngayon ay pinagtatawanan nila ako+
—Mga lalaking mas bata sa akin,
Na anak ng mga taong
Hindi ko man lang patutulungin sa mga asong nagbabantay sa kawan ko.
2 Ano ang silbi sa akin ng lakas nila?
Wala na silang sigla.
3 Nanghihina sila dahil sa kakapusan at gutom;
Ngumunguya sila ng buhangin sa tuyot na lupain
Na wasak na at tiwangwang.
4 Nangunguha sila ng maalat na dahon* mula sa mga palumpong
At mapapait na ugat ng puno* para makain.
7 Dumaraing sila mula sa mga palumpong
At nagsisiksikan sa mga halamang kulitis.
11 Dahil ginawa akong walang kalaban-laban ng Diyos* at ibinaba niya ako,
Hindi na sila nagpipigil* sa harap ko.
12 Sama-sama silang sumasalakay mula sa kanan ko;
Pinatakas nila ako,
Pero naglagay naman sila ng mga bitag* sa daan para ipahamak ako.
14 Pumapasok sila na parang may malaking butas sa pader;
Sumusugod sila sa kabila ng pagkawasak.
15 Nababalot ako ng takot;
Ang dangal ko ay tinatangay na gaya ng hangin,
At ang kaligtasan ko ay naglalahong gaya ng ulap.
18 Napipilipit ang kasuotan ko dahil sa malakas na puwersa;*
Naging gaya ito ng masikip na kuwelyong sumasakal sa akin.
19 Inihagis ako ng Diyos sa putikan;
Naging gaya na lang ako ng alabok at abo.
24 Pero walang magpapabagsak sa taong walang kalaban-laban*+
Habang humihingi siya ng tulong sa panahon ng paghihirap niya.
25 Hindi ba umiyak ako para sa mga nagdurusa?
Hindi ba nalungkot ako para sa mahihirap?+
26 Kabutihan ang inaasahan ko, pero kasamaan ang dumating;
Liwanag ang hinihintay ko, pero kadiliman ang dumating.
27 Laging balisa ang puso ko;
Sinalubong ako ng mga araw ng paghihirap.
28 Naglalakad ako nang malungkot;+ walang sikat ng araw.
Tumayo ako sa gitna ng mga tao at humingi ng tulong.