Job
12 At sumagot si Job:
Hindi ako nakabababa sa inyo.
Sino ang hindi nakaaalam ng mga bagay na ito?
4 Naging katatawanan ako sa mga kasamahan ko,+
Dahil tumatawag ako sa Diyos at naghihintay ng sagot.+
Isang katatawanan ang taong matuwid at walang kapintasan.
5 Binabale-wala* ng taong panatag ang kapahamakan;
Iniisip niyang para lang iyon sa mga may paang sumusuray.*
6 Ang mga tolda ng mga magnanakaw ay payapa,+
At ang mga gumagalit sa Diyos ay panatag,+
Gaya ng mga taong hawak sa kanilang kamay ang diyos nila.
7 Pero pakisuyo, magtanong ka sa mga hayop, at tuturuan ka nila;
Pati sa mga ibon sa langit, at sasabihin nila iyon sa iyo.
9 Sino sa lahat ng ito ang hindi nakaaalam
Na ang kamay ni Jehova ang gumawa nito?
14 Kapag may giniba siya, hindi na iyon maitatayo;+
Kapag may isinara siya, hindi iyon mabubuksan ng sinuman.
15 Kapag pinigil niya ang tubig, lahat ay natutuyo;+
Kapag pinakawalan niya ito, umaapaw ito sa buong lupa.+
16 Malakas siya at may praktikal na karunungan;+
Nasa kamay niya ang naliligaw at ang nanliligaw;
17 Pinaglalakad niya nang nakapaa ang* mga tagapayo
At pinagmumukhang baliw ang mga hukom.+
19 Pinaglalakad niya nang nakapaa ang mga saserdote+
At pinatatalsik ang mga matagal nang namamahala;+
20 Isinasara niya ang bibig ng pinagkakatiwalaang mga tagapayo
At inaalis ang karunungan ng matatandang lalaki;
21 Hinahamak niya ang mga prominente+
At pinahihina ang* mga makapangyarihan;
22 Isinisiwalat niya ang malalalim na bagay mula sa dilim+
At pinagliliwanag ang matinding kadiliman;
23 Pinalalakas niya ang mga bansa para puksain sila;
Pinalalaki niya ang mga bansa para maipatapon sila.