Job
24 “Bakit ba hindi nagtakda ng oras ang Makapangyarihan-sa-Lahat?+
Bakit hindi nakikita ng mga nakakakilala sa kaniya ang araw ng paghatol niya?
5 Naghahagilap ng pagkain ang mga dukha, gaya ng maiilap na asno+ sa ilang;
Naghahanap sila ng pagkain sa disyerto para sa mga anak nila.
8 Nababasâ sila ng ulan sa kabundukan;
Pilit silang nanganganlong sa malalaking bato dahil wala silang ibang masilungan.
9 Ang anak ng biyuda ay inaagaw mula sa dibdib niya;+
At kinukuha bilang prenda ang damit ng dukha,+
10 Kaya naman naglalakad sila nang walang suot,
At gutom silang nagbubuhat ng mga tungkos ng butil.
11 Nagtatrabaho sila sa tabi ng mga pader ng ubasan sa kainitan ng araw;*
Nagtatrabaho sila sa pisaan ng ubas, pero nauuhaw sila.+
12 Dumaraing sa lunsod ang mga naghihingalo;
Humihingi ng tulong ang mga nasugatan nang malubha,+
Pero hindi nababahala ang Diyos.*
13 May mga naghihimagsik sa liwanag;+
Hindi nila kinikilala ang mga daan nito,
At hindi nila nilalakaran ang mga landas nito.
14 Maagang bumabangon ang mamamatay-tao;
Pinapatay niya ang walang kalaban-laban at dukha,+
At sa gabi naman ay nagnanakaw siya.
At tinatakpan niya ang kaniyang mukha.
Nilalayuan nila ang liwanag.+
17 Dahil ang umaga ay tulad ng matinding kadiliman para sa kanila;
Alam nila ang kinatatakutan ng mga tao sa matinding kadiliman.
18 Pero mabilis silang aanurin ng tubig.*
Susumpain ang kanilang lupain.+
Hindi sila babalik sa ubasan nila.
19 Kung paanong kinukuha ng tagtuyot at init ang natunaw na niyebe,
20 Kalilimutan siya ng kaniyang ina;* kakainin siya ng mga uod.
Hindi na siya maaalaala pa.+
At ang kasamaan ay ibabagsak na tulad ng puno.
21 Binibiktima niya ang babaeng baog
At minamaltrato ang biyuda.
22 Gagamitin ng Diyos* ang lakas niya para puksain ang mga makapangyarihan;
Umangat man sila, wala pa ring katiyakan ang buhay nila.
24 Pansamantala silang nagiging mataas, at pagkatapos ay wala na sila.+
Puputulin sila at titipunin gaya ng mga uhay ng butil;
Babagsak sila+ at mamamatay gaya ng iba.
25 Kaya sino ang magpapatunay na sinungaling ako,
At sino ang tututol sa sinabi ko?”