Ang Awit ni Solomon
6 “Nasaan ang sinta mo,
O pinakamagandang babae?
Saan nagpunta ang sinta mo?
Sasamahan ka namin sa paghanap sa kaniya.”
2 “Pumunta ang sinta ko sa hardin niya,
Sa mga taniman ng mababangong halaman,
Para magpastol sa gitna ng mga hardin
Nagpapastol siya sa gitna ng mga liryo.”+
4 “Kasingganda ka ng Tirza,*+ mahal ko,+
Kaibig-ibig na gaya ng Jerusalem,+
Makapigil-hiningang gaya ng mga hukbong nakapalibot sa mga watawat nila.+
Ang buhok mo ay gaya ng kawan ng mga kambing
Na bumababa sa mga dalisdis ng Gilead.+
6 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng tupa
Na bagong ligo;
Lahat ay may kakambal,
At walang isa man ang nawawala.
9 Iisa lang ang kalapati kong+ walang kapintasan.
Siya ang pinakaespesyal na anak para sa kaniyang ina,
Ang paborito ng* nagsilang sa kaniya.
Nakita siya ng mga dalaga at sinabing maligaya siya;
Nakita siya ng mga reyna at pangalawahing asawa, at pinuri nila siya.
10 ‘Sino ang babaeng ito na kaakit-akit* gaya ng bukang-liwayway,
Kasingganda ng kabilugan ng buwan,
Kasindalisay ng sinag ng araw,
At makapigil-hiningang gaya ng mga hukbong nakapalibot sa mga watawat nila?’”+
11 “Pumunta ako sa hardin ng mga puno ng nogales*+
Para makita ang mga bagong usbong sa lambak,*
Kung sumibol* na ang punong ubas,
Kung namulaklak na ang mga puno ng granada.
12 Dahil sa kagustuhan kong iyon,
Hindi ko namalayang napunta na ako
Sa mga karwahe ng aking mabubuting kababayan.”*
13 “Bumalik ka, bumalik ka, O Shulamita!
Bumalik ka, bumalik ka,
Para matingnan ka namin!”
“Ano ba ang nakikita ninyo sa Shulamita?”+
“Gaya siya ng sayaw ng Mahanaim!”*