Awit ng Pag-akyat.
126 Nang muling tipunin ni Jehova ang mga nabihag sa Sion,+
Para tayong nananaginip.
2 Nang panahong iyon, nagtatawanan tayo
At humihiyaw sa kagalakan.+
Nang panahong iyon, sinabi nila sa mga bansa:
“Si Jehova ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa kanila.”+
3 Si Jehova ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa atin,+
At napakasaya natin.
4 O Jehova, tipunin mong muli ang mga binihag sa amin,
Na gaya ng mga batis sa Negeb.
5 Ang mga naghahasik ng binhi nang may luha
Ay gagapas nang may hiyaw ng kagalakan.
6 Ang lumalabas, kahit na umiiyak,
Dala ang kaniyang supot ng binhi,
Ay tiyak na babalik na humihiyaw sa kagalakan,+
Dala ang kaniyang mga bungkos.+