Ang Awit ni Solomon
Nanguha na ako ng mira at mabangong halaman.+
Kumain na ako ng bahay-pukyutan at pulot-pukyutan;
Ininom ko na ang aking alak at gatas.”+
“Kumain kayo, mahal naming mga kaibigan!
Uminom kayo at malasing sa mga kapahayagan ng pagmamahal!”+
2 “Tulóg ako, pero gisíng ang puso ko.+
Naririnig kong kumakatok ang sinta ko!
‘Pagbuksan mo ako, O kapatid ko, mahal ko,
Kalapati kong walang kapintasan!
Dahil basa ng hamog ang ulo ko;
Basa ng hamog sa gabi ang buhok ko.’+
3 Hinubad ko na ang mahabang damit ko.
Isusuot ko pa ba itong muli?
Naghugas na ako ng paa.
Durumhan ko ba ulit iyon?
5 Bumangon ako para pagbuksan ang sinta ko;
Hinawakan ng mga kamay
At daliri kong may langis na mira
Ang hawakan ng trangka.
6 Pinagbuksan ko ang sinta ko,
Pero umalis na ang sinta ko; wala na siya.
Lungkot na lungkot ako nang umalis siya.
Hinanap ko siya pero hindi ko nakita.+
Tinawag ko siya, pero hindi siya sumagot.
7 Nakita ako ng mga bantay na naglilibot sa lunsod.
Sinaktan nila ako at sinugatan.
Kinuha ng mga bantay* ang balabal* ko.
8 Sumumpa kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem:
Kung makita ninyo ang sinta ko,
Sabihin ninyo sa kaniya na nanghihina ako dahil sa pag-ibig.”
9 “Bakit mo nasabing nakahihigit sa iba ang iyong sinta,
Ikaw na pinakamagandang babae?
Bakit mo nasabing nakahihigit sa iba ang iyong sinta
At kailangan mo pa kaming pasumpain?”
10 “Ang mahal ko ay guwapo at mamula-mula;
Angat siya sa sampung libong tao.
11 Ang ulo niya ay ginto, pinakamagandang klase ng ginto.
Ang buhok niya ay gaya ng mga dahon ng palma* na hinihipan ng hangin;
Kasing-itim ito ng uwak.
12 Ang mga mata niya ay gaya ng mga kalapati sa tabi ng dumadaloy na tubig,
Na naliligo sa gatas
At nakaupo sa tabi ng umaapaw na imbakan ng tubig.*
Ang mga labi niya ay mga liryo,* na tinutuluan ng langis na mira.+
14 Ang mga kamay niya ay mga silindrong ginto, na may crisolito.
Ang tiyan niya ay pinakintab na garing* na punô ng safiro.
15 Ang mga binti niya ay mga haliging marmol na nasa tuntungang ginto.*
Ang hitsura niya ay gaya ng Lebanon; matangkad siya gaya ng mga sedro.+
Iyan ang sinta ko, ang mahal ko, O mga anak na babae ng Jerusalem.”