Ang Awit ni Solomon
Hinanap ko siya pero hindi ko nakita.+
Hinanap ko siya pero hindi ko nakita.
3 Nakita ako ng mga bantay na lumilibot sa lunsod.+
Tinanong ko sila, ‘Nakita ba ninyo ang mahal ko?’
4 Hindi pa ako nakalalayo sa kanila,
Nakita ko na ang mahal ko.
Hinawakan ko siya at hindi binitiwan,
At dinala ko siya sa bahay ng aking ina,+
Sa tirahan* ng nagdalang-tao sa akin.
5 Sumumpa kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem,
Sa harap ng mga gasela at babaeng usa sa parang:
Huwag ninyong gisingin sa akin ang pag-ibig na hindi ko nararamdaman.”+
6 “Ano itong dumarating mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok,
Na napapabanguhan ng mira at olibano,
Ng lahat ng mababangong pulbos ng isang negosyante?”+
7 “Iyon ang higaan ni Solomon!
Animnapung malalakas na lalaki ang nakapalibot doon,
Mula sa malalakas na lalaki ng Israel.+
8 Silang lahat ay may espada;
Lahat ay sinanay sa pakikipagdigma;
Bawat isa ay may espada sa tagiliran
Para ingatan siya mula sa panganib kung gabi.”
9 “Iyon ang kamilya* na ginawa ni Haring Solomon para sa sarili niya,
Na gawa sa mga kahoy ng Lebanon.+
10 Ang mga haligi ay ginawa niyang yari sa pilak,
Ang mga sandalan at patungan ng kamay ay gawa sa ginto.
Ang upuan ay gawa sa purpurang* lana;
Ang loob ay pinaganda nang may pagmamahal
Ng mga anak na babae ng Jerusalem.”