Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Awit ni David.
61 Dinggin mo, O Diyos, ang paghingi ko ng tulong.
Pakinggan mo ang panalangin ko.+
2 Mula sa dulo ng lupa ay tatawag ako sa iyo
Kapag nagdurusa ang puso ko.+
Akayin mo ako sa bato na mas mataas kaysa sa akin.+
3 Dahil ikaw ang kanlungan ko,
Isang matibay na tore na poprotekta sa akin mula sa kaaway.+
4 Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda magpakailanman;+
Manganganlong ako sa lilim ng iyong mga pakpak.+ (Selah)
5 Dahil pinakinggan mo ang mga panata ko, O Diyos.
Ibinigay mo sa akin ang manang nakalaan sa mga natatakot sa pangalan mo.+
6 Pahahabain mo ang buhay ng hari,+
At aabot ng maraming henerasyon ang mga taon ng buhay niya.
7 Mananatili siya sa kaniyang trono magpakailanman sa harap ng Diyos;+
Ingatan nawa siya ng iyong tapat na pag-ibig at katapatan.+
8 At aawit ako ng mga papuri sa pangalan mo magpakailanman+
Habang tinutupad ko ang mga panata ko araw-araw.+