Job
23 Sinabi ni Job:
2 “Hanggang sa araw na ito, magmamatigas pa rin ako at magrereklamo;*+
Ubos na ang lakas ko dahil sa pagbubuntonghininga.
3 Kung alam ko lang sana kung nasaan ang Diyos!+
Pupuntahan ko siya sa tirahan niya.+
4 Ihaharap ko sa kaniya ang usapin ko,
At sasabihin ko ang lahat ng argumento ko;
5 Pakikinggan ko ang sagot niya
At pag-iisipan ang sasabihin niya.
6 Lalabanan ba niya ako gamit ang malakas na kapangyarihan niya?
Hindi, siguradong diringgin niya ako.+
7 Maaayos ang kaso ng matuwid sa Kaniyang harapan,
At sa wakas ay ipahahayag akong walang-sala ng aking Hukom.
8 Pero nang pumunta ako sa silangan, wala siya roon;
At nang bumalik ako, hindi ko pa rin siya makita.
9 Habang gumagawa siya sa kaliwa, hindi ko siya makita;
At pumupunta siya sa kanan, pero hindi ko pa rin siya mahanap.
10 Pero alam niya ang daang tinatahak ko.+
Pagkatapos niya akong subukin, magiging gaya ako ng purong ginto.+
12 Hindi ako humihiwalay sa utos na mula sa bibig niya.
Pinahalagahan ko ang mga pananalita niya+ nang higit pa kaysa sa inaasahan* sa akin.
13 Kapag determinado siya, sino ang makapipigil sa kaniya?+
Kapag may gusto siyang gawin, gagawin niya iyon.+
14 Dahil lubusan niyang isasagawa ang itinakda niya para sa akin,
At marami ang mga iyon.
15 Kaya naman hindi ako mapakali dahil sa kaniya;
Kapag iniisip ko siya, lalo akong natatakot.
16 Pinahina ng Diyos ang loob ko,
At tinakot ako ng Makapangyarihan-sa-Lahat.
17 Pero hindi pa rin ako napatahimik ng kadiliman
Kahit na tumakip ito sa aking mukha.