MARCOS
Mga Study Note—Kabanata 12
ilustrasyon: Tingnan ang study note sa Mat 13:3.
tore: Tingnan ang study note sa Mat 21:33.
pinaupahan: Tingnan ang study note sa Mat 21:33.
ang kasulatang ito: Ang pang-isahang anyo ng salitang Griego dito na gra·pheʹ ay tumutukoy sa isang teksto, Aw 118:22, 23.
pangunahing batong-panulok: Tingnan ang study note sa Mat 21:42.
Jehova: Sa pagsiping ito sa Aw 118:22, 23, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
mga tagasuporta ni Herodes: Tingnan sa Glosari.
buwis: Tingnan ang study note sa Mat 22:17.
Cesar: Tingnan ang study note sa Mat 22:17.
denario: Ang baryang pilak na ito ng mga Romano, na may nakasulat na pangalan ni Cesar, ang “buwis” na sinisingil ng mga Romano sa mga Judio. (Mar 12:14) Noong panahon ni Jesus, ang mga manggagawa sa bukid ay karaniwang sinusuwelduhan ng isang denario para sa 12-oras na trabaho sa isang araw, at karaniwang ginagamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang denario sa pagkalkula ng halaga ng ibang pera. (Mat 20:2; Mar 6:37; 14:5; Apo 6:6) Iba’t ibang klase ng baryang tanso at pilak ang ginagamit sa Israel, kasama na ang baryang pilak na ginawa sa Tiro na ginagamit na pambayad ng buwis sa templo. Pero sa pagbabayad ng buwis sa Roma, lumilitaw na ang pilak na denario na may larawan ni Cesar ang ipinambabayad ng mga tao.—Tingnan sa Glosari at Ap. B14.
larawan at pangalan: Tingnan ang study note sa Mat 22:20.
Ibayad: Tingnan ang study note sa Mat 22:21.
kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar: Ang eksenang ito, na mababasa rin sa Mat 22:21 at Luc 20:25, ang nag-iisang nakaulat na pagkakataong binanggit ni Jesus ang Romanong emperador. Kasama sa “mga bagay na kay Cesar” ang pagbabayad para sa serbisyo ng gobyerno at ang pagbibigay ng karangalan at relatibong pagpapasakop sa mga awtoridad.—Ro 13:1-7.
sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos: Tingnan ang study note sa Mat 22:21.
Saduceo: Dito lang binanggit ang mga Saduceo sa Ebanghelyo ni Marcos. (Tingnan sa Glosari.) Malamang na may kaugnayan ang pangalang ito (sa Griego, Sad·dou·kaiʹos) kay Zadok (madalas na isulat na Sad·doukʹ sa Septuagint), na ginawang mataas na saserdote noong mga araw ni Solomon at na ang mga inapo ay lumilitaw na naglingkod bilang saserdote sa loob ng daan-daang taon.—1Ha 2:35.
pagkabuhay-muli: Ang salitang Griego na a·naʹsta·sis ay literal na nangangahulugang “pagbangon; pagtayo.” Ginamit ito nang mga 40 beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan para tumukoy sa pagkabuhay-muli ng mga patay. (Mat 22:23, 31; Gaw 4:2; 24:15; 1Co 15:12, 13) Sa salin ng Septuagint sa Isa 26:19, ginamit ang anyong pandiwa ng a·naʹsta·sis bilang katumbas ng pandiwang Hebreo na “mabuhay” sa pariralang “ang iyong mga patay ay mabubuhay.”—Tingnan sa Glosari.
Pinakasalan ng ikalawa ang biyuda: Sa mga Hebreo noon, kung mamatay ang isang lalaki nang wala pang anak na lalaki, pakakasalan ng kapatid niya ang nabiyuda niyang asawa para magkaroon ito ng anak na magdadala ng pangalan ng namatay nitong asawa. (Gen 38:8) Ang kaayusang ito, na naging bahagi ng Kautusang Mosaiko nang maglaon, ay tinatawag na pag-aasawa bilang bayaw. (Deu 25:5, 6) Ginagawa ito noong panahon ni Jesus, gaya ng makikita sa sinabi rito ng mga Saduceo. Ayon sa Kautusan, puwede namang tumanggi ang isang lalaki na pakasalan ang naiwang biyuda, pero kahihiyan ito sa kaniya dahil ayaw niyang “itayo ang sambahayan ng kapatid niya.”—Deu 25:7-10; Ru 4:7, 8.
ang Kasulatan: Tingnan ang study note sa Mat 22:29.
sa aklat ni Moises: Ang mga isinulat lang ni Moises ang tinatanggap ng mga Saduceo. Ayaw nilang paniwalaan ang turo ni Jesus tungkol sa pagkabuhay-muli, maliwanag na dahil iniisip nilang wala itong basehan sa Pentateuch. Maraming teksto ang puwede niyang sipiin, gaya ng Isa 26:19, Dan 12:13, at Os 13:14, para patunayang mabubuhay muli ang mga patay. Pero dahil alam ni Jesus kung anong mga akda lang ang tinatanggap ng mga Saduceo, ginamit niya ang mga sinabi ni Jehova kay Moises para patunayan ang punto niya.—Exo 3:2, 6.
sinabi ng Diyos sa kaniya: Ang tinutukoy rito ni Jesus ay ang pag-uusap ni Moises at ni Jehova noong mga 1514 B.C.E. (Exo 3:2, 6) Noong panahong iyon, 329 na taon nang patay si Abraham, 224 si Isaac, at 197 si Jacob. Pero hindi sinabi ni Jehova: ‘Ako ang Diyos nila noon,’ kundi sinabi niya: ‘Ako ang Diyos nila.’—Tingnan ang study note sa Mar 12:27.
kundi ng mga buháy: Sa kaparehong ulat sa Luc 20:38, sinabi ni Jesus: “Dahil silang lahat ay buháy sa kaniya [o, “para sa kaniya”].” Ipinapakita ng Bibliya na ang mga taong malayo sa Diyos ay para na ring patay sa kaniya, kahit buháy sila. (Efe 2:1; 1Ti 5:6) Pero ang mga lingkod ni Jehova na may pagsang-ayon niya ay nananatiling buháy sa paningin niya kahit patay na sila, dahil siguradong bubuhayin niya silang muli.—Ro 4:16, 17.
Makinig kayo, O Israel: Dito, mas mahaba ang sinipi mula sa Deu 6:4, 5 kaysa sa mga kaparehong ulat nina Mateo at Lucas. Kasama rito ang simula ng tinatawag na Shema, na itinuturing na kapahayagan ng pananampalataya ng mga Judio na nakaulat sa Deu 6:4-9; 11:13-21. Ang salitang Shema ay nagmula sa unang salita ng Deu 6:4 sa Hebreo, shemaʽʹ, na nangangahulugang “Makinig!”
si Jehova na Diyos natin ay nag-iisang Jehova: O “si Jehova ang ating Diyos; iisa lang si Jehova.” Sa tekstong Hebreo ng Deu 6:4, na sinipi rito, ang salitang “iisa” ay maaaring nagpapahiwatig ng pagiging natatangi, kaisa-isa. Si Jehova lang ang tunay na Diyos; walang huwad na diyos na maikukumpara sa kaniya. (2Sa 7:22; Aw 96:5; Isa 2:18-20) Sa aklat ng Deuteronomio, ipinaalala ni Moises sa mga Israelita na si Jehova lang ang dapat nilang sambahin. Hindi nila dapat tularan ang mga bayang nakapaligid sa kanila, na sumasamba sa iba’t ibang diyos at diyosa. Ang ilan sa huwad na mga diyos na iyon ay pinaniniwalaang namamahala sa espesipikong mga bahagi ng kalikasan. Ang iba naman ay ibang anyo lang ng isang partikular na bathala. Ang salitang Hebreo para sa “iisa” ay nagpapahiwatig din ng pagkakaisa at pagkakaroon ng iisang layunin at gawain. Ang Diyos na Jehova ay hindi pabago-bago. Sa halip, lagi siyang maaasahan, tapat, totoo, at nakapokus sa kaniyang layunin. Ang ulat na ito ng Mar 12:28-34 ay mababasa rin sa Mat 22:34-40, pero si Marcos lang ang bumanggit ng panimulang bahagi: “Makinig kayo, O Israel, si Jehova na Diyos natin ay nag-iisang Jehova.” Ang utos na ibigin ang Diyos ay ibinigay pagkatapos sabihing iisa lang si Jehova. Ipinapakita nito na hindi rin dapat mahati ang pag-ibig ng mga mananamba ni Jehova sa kaniya.
Jehova . . . Jehova: Sa pagsiping ito sa Deu 6:4, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw nang dalawang beses sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
Jehova: Sa pagsiping ito sa Deu 6:5, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
puso: Kapag ginagamit sa makasagisag na diwa, ang terminong ito ay karaniwang tumutukoy sa buong panloob na pagkatao. Pero kapag binabanggit kasama ng “kaluluwa” at “pag-iisip,” nagiging mas espesipiko ang kahulugan nito at pangunahin nang tumutukoy sa emosyon, kagustuhan, at damdamin ng isang tao. May pagkakapareho sa kahulugan ang apat na terminong ito (puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas); ang paggamit sa mga ito nang sama-sama ang pinakamapuwersang paraan para idiin na kailangang ibigin ang Diyos nang buong-buo.—Tingnan ang study note sa pag-iisip at lakas sa talatang ito.
kaluluwa: Tingnan ang study note sa Mat 22:37.
pag-iisip: Tumutukoy sa kakayahang mag-isip. Dapat gamitin ng isang tao ang kakayahan niyang mag-isip para makilala ang Diyos at mahalin Siya. (Ju 17:3; Ro 12:1) Sa Deu 6:5, na sinipi rito, ang orihinal na tekstong Hebreo ay gumamit ng tatlong termino, ‘puso, kaluluwa, at lakas.’ Pero sa ulat ni Marcos, na isinulat sa Griego, apat na konsepto ang binanggit, puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas. May ilang posibleng dahilan sa pagkakaibang ito. Ang salitang “pag-iisip” ay posibleng idinagdag para makumpleto sa Griego ang kahulugan ng mga konsepto sa wikang Hebreo. Walang espesipikong salita sa sinaunang Hebreo para sa “pag-iisip,” pero ang kahulugan nito ay karaniwan nang saklaw ng salitang Hebreo para sa “puso,” na puwedeng tumukoy sa buong panloob na pagkatao ng isa, kasama ang iniisip, nadarama, saloobin, at motibo niya. (Deu 29:4; Aw 26:2; 64:6; tingnan ang study note sa puso sa talatang ito.) Dahil dito, kapag ginagamit ang salitang Hebreo para sa “puso,” madalas na itinutumbas dito ng Griegong Septuagint ang salitang Griego para sa “pag-iisip.” (Gen 8:21; 17:17; Kaw 2:10; Isa 14:13) Posibleng ipinapakita rin ng paggamit ni Marcos sa salitang pag-iisip na may pagkakapareho sa kahulugan ang terminong Hebreo para sa “lakas” at ang terminong Griego para sa “pag-iisip.” (Ihambing ang pananalita sa Mat 22:37, na gumamit ng “pag-iisip” sa halip na “lakas.”) Ang pagkakapareho sa kahulugan ng mga terminong ito ay isang posibleng dahilan kung bakit “pag-iisip” ang isinagot ng eskriba sa tanong ni Jesus. (Mar 12:33) Makakatulong din ito para maintindihan natin kung bakit magkakaiba ang pananalitang ginamit ng mga manunulat ng Ebanghelyo nang sipiin nila ang Deu 6:5.—Tingnan ang study note sa lakas sa talatang ito at study note sa Mat 22:37; Luc 10:27.
lakas: Sa Deu 6:5 na sinipi sa talatang ito, tatlong termino ang ginamit sa orihinal na tekstong Hebreo, ‘puso, kaluluwa, at lakas,’ gaya ng binanggit sa study note sa pag-iisip. Ang salitang Hebreo para sa “lakas” ay puwedeng tumukoy sa pisikal na lakas at kakayahang mag-isip. Posibleng isa rin ito sa mga dahilan kung bakit idinadagdag ang konsepto ng “pag-iisip” kapag sinisipi ang tekstong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Makakatulong din ito para maintindihan kung bakit ang ginamit ng Mat 22:37 sa pagsipi sa Deuteronomio ay “pag-iisip” sa halip na “lakas.” Anuman ang dahilan, nang sipiin ng isang eskriba (ayon sa ulat ni Lucas [10:27] na isinulat sa Griego) ang tekstong iyon, apat na konsepto ang binanggit niya: puso, kaluluwa, lakas, at pag-iisip. Maliwanag na ipinapakita nito na noong panahon ni Jesus, tinatanggap ng mga tao na ang apat na konseptong ito sa Griego ang katumbas ng tatlong salitang Hebreo sa tekstong sinipi.
Ang ikalawa: Sa Mar 12:29, 30, mababasa ang direktang sagot ni Jesus sa eskriba. Pero sa tekstong ito, higit pa sa itinatanong ang sinabi ni Jesus. Sumipi siya ng isa pang utos. (Lev 19:18) Idiniin niya na ang “dalawang utos” na ito ay laging magkaugnay at ito ang saligan ng buong Kautusan at mga Propeta.—Mat 22:40.
kapuwa: Tingnan ang study note sa Mat 22:39.
buong handog na sinusunog: Tatlong beses lang lumitaw ang salitang Griego na ho·lo·kauʹto·ma (mula sa salitang hoʹlos, na nangangahulugang “buo,” at kaiʹo, “sunugin”) sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito at sa Heb 10:6, 8. Ginagamit ang terminong ito sa Septuagint para tumbasan ang salitang Hebreo para sa mga handog na lubusang sinusunog sa apoy at inihahandog nang buo sa Diyos—walang bahagi nito ang puwedeng kainin ng mananamba. Lumitaw ang salitang Griego na ito sa Septuagint sa 1Sa 15:22 at Os 6:6, na malamang na naisip ng eskriba noong kausap niya si Jesus. (Mar 12:32) Bilang makasagisag na “handog na sinusunog,” inihandog ni Jesus nang buo ang sarili niya.
Jehova: Sa pagsiping ito sa Aw 110:1, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
pamilihan: Tingnan ang study note sa Mat 23:7.
pinakamagagandang puwesto: Tingnan ang study note sa Mat 23:6.
kabang-yaman: Ayon sa sinaunang mga akdang Judio, ang mga hulugan ng kontribusyon ay kahugis ng trumpeta, o sungay, at lumilitaw na may maliit na butas ito sa ibabaw. Naghuhulog ng pera ang mga tao dito para sa iba’t ibang handog. Ang salitang Griego na ginamit dito ay makikita rin sa Ju 8:20, kung saan isinalin itong “ingatang-yaman.” Lumilitaw na ito ay nasa Looban ng mga Babae. (Tingnan ang study note sa Mat 27:6 at Ap. B11.) Ayon sa mga akda ng mga rabbi, 13 kabang-yaman ang makikita sa paligid ng loobang iyon, malapit sa pader. Sinasabing ang templo ay mayroong pangunahing kabang-yaman at doon dinadala ang perang nakukuha sa iba pang kabang-yaman.
pera: Lit., “tanso,” o baryang tanso, pero ang salitang Griego na ito ay ginagamit din para tumukoy sa lahat ng klase ng pera.—Tingnan ang Ap. B14.
dalawang maliliit na barya: Lit., “dalawang lepton.” Ang salitang Griego na le·ptonʹ ay nangangahulugang isang bagay na maliit at manipis. Ang isang lepton ay katumbas ng 1/128 ng isang denario, at lumilitaw na ito ang pinakamaliit na baryang tanso o bronse na ginagamit sa Israel.—Tingnan sa Glosari, “Lepton,” at Ap. B14.
napakaliit ng halaga: Lit., “katumbas ng isang quadrans.” Ang salitang Griego na ko·dranʹtes (mula sa salitang Latin na quadrans) ay tumutukoy sa tanso o bronseng barya ng mga Romano na ang halaga ay 1/64 ng isang denario. Gumamit si Marcos dito ng perang Romano para ipaliwanag ang halaga ng mga barya na karaniwang ginagamit ng mga Judio.—Tingnan ang Ap. B14.