Pahina Dos
Ang Ilog Rhine ng Alemanya, gaya ng makikita sa kaliwa, ay nagbibigay pa rin ng malaking tuwa sa turista, subalit ang kagandahan nito ay madaya. Narumhan ng higit ng mga pabrika ng kemikal at industriya sa kahabaan ng pampang nito kaysa anumang ilog sa daigdig, ito ay tinaguriang ang dakilang imburnal ng Europa. Ito ay mainam na sumasagisag sa nakamamatay na mga bakas ng di-nakikitang salaring polusyon, ginagawang angkop ang pananalita ng makatang si Samuel Taylor Coleridge:
“Ang Ilog Rhine, napakabantog,
Na naghuhugas sa iyong lunsod ng Cologne;
Turan mo, Nimfa, anong lakas ng Diyos
Mula ngayon ang maghuhugas sa Ilog Rhine?”
Tinutunton ng kabalitaan ng Gumising! sa Pederal na Republika ng Alemanya ang mga sanhi ng polusyon at nagbibigay ng maliwanag na pagkaunawa sa kung ano ang nasasangkot sa paglutas sa problema.