Pahina Dos
Ang elektronikong mga gamit sa paniniktik o “bugs” ay mahirap mátutóp na gaya ng mga parasito sa balat. Kasinliit ng isang ulo ng posporo, ang mga ito ay maaaring ilagay sa loob ng mga pluma na sumusulat, kunwa’y mga tableta ng aspirin o olibo sa isang inuming martini, isinusuot bilang isang hikaw, o inilalagay pa nga sa ilalim ng balat. Masasagap nito ang bulong sa isang silid at maihahatid ang tinig sa layong .4 kilometro.
At ang “bugs” na ito ay mas mahirap lipulin kaysa pesteng mga kapangalan nila!