Maling Rikonosi ng Makabagong Teknolohiya
KAPAG sinasabi ng isang doktor na ipinahihiwatig ng kaniyang rikonosi na ikaw ay may karamdaman, nakatitiyak ka ba na ang kaniyang rikonosi ay tama? Isang report ng pahayagan sa Canada na The Globe and Mail ay nagsasabi na hindi laging tama! “Natuklasan ng mga pag-aaral na naghahambing sa mga tuklas sa autopsiya tungkol sa sanhi ng kamatayan na iniulat ng doktor na ang doktor ay 10 hanggang 30 porsiyentong mali sa karamihan ng panahon.” Ito ay sa kabila ng pagdami ng makabagong-teknolohiyang kagamitan sa pagrikonosi. Kapuna-puna, inaakala ni Dr. T. F. McElligott, presidente ng Canadian Association of Pathologists, na ang labis na pagtitiwala sa gayong mga kagamitan ay bahagi ng problema.
“Mayroong napakasalimuot na pagririkonosi ngayon,” sabi niya, “inaakala ng maraming clinician na wala na silang gaanong matututuhan sa autopsiya, kaya hindi na nila ito hinihiling.” Sabi niya, “inaakala ko na ang palagay na ito ay mali.” Itinawag-pansin din ng pahayagan sa ilang mga pag-aaral kamakailan na nagpapahiwatig na “halos 20 porsiyento ng nakamamatay na sakit ay patuloy na maling maririkonosi.”
Halimbawa, sa isang pamantasang ospital sa Estados Unidos na nagtuturo, isang 30-taóng pag-aaral ng autopsiya “ay nakasumpong na, sa halip na sumulong sa panlahat na kawastuan ng rikonosi, ang pagtitiwala sa makabagong-teknolohiyang mga pagsubok . . . ay aktuwal na nakatulong sa maling rikonosi sa ilang kaso.” Gayundin, sa isang ospital sa Winnipeg, Canada, 13 porsiyento ng mga autopsiyang isinagawa noong 1983 “ay nasumpungang isang malaking maling rikonosi anupa’t, kung ito ay natuklasan bago ang kamatayan, ito sana ay nagbunga ng mas mahabang buhay para sa pasyente o isang posibleng lunas.”
Sa isa pang ospital sa Winnipeg, isang pag-aaral ng mga autopsiya ng 200 mga bangkay “ay nagsasabi na 24 porsiyento ang nakasumpong ng kakaibang sakit kaysa narikonosi. Sa 10 porsiyento, ang resulta ay maaari sanang iba kung ang rikonosi ay ginawa bago napatunayang tama ang kamatayan.” Dahil sa nakagugulat ng mga katotohanang ito, matalino para sa mga tao na may malubhang mga problema sa kalusugan na humanap ng higit sa isang opinyon mula sa indipendiyenteng mga manggagamot.