TAMPOK NA PAKSA
Kontrolado Mo Ba ang Iyong Buhay?
ANO ang mga tunguhin mo noong bata ka pa? Siguro gusto mong mag-asawa, maging mahusay sa isang bagay, o magkaroon ng magandang trabaho. Pero hindi laging nasusunod ang mga plano natin. Dahil sa di-inaasahang problema, baka biglang magbago ang buhay natin. Ganiyan ang nangyari kina Anja, Delina, at Gregory.
Si Anja na taga-Germany ay na-diagnose na may kanser sa edad na 21, at ngayon ay nasa bahay na lang.
Si Delina na taga-Estados Unidos ay may neuromuscular disorder na tinatawag na dystonia. Siya rin ang nag-aalaga sa kaniyang tatlong kapatid na may kapansanan.
Si Gregory na taga-Canada ay may malubhang anxiety disorder.
Sa kabila ng kanilang kalagayan, nagawang makontrol nina Anja, Delina, at Gregory ang kanilang buhay. Paano?
Sinasabi ng Bibliya: “Nanghihina ba ang iyong loob sa araw ng kabagabagan? Ang iyong kalakasan ay magiging kaunti.” (Kawikaan 24:10) Tandaan: Mahalaga ang pananaw mo sa mga bagay-bagay. Kung panghihinaan ka ng loob, hindi ka makagagawa ng matatalinong desisyon. Pero kung magiging positibo ka, mas magiging madali sa iyo na gumawa ng magagandang pasiya at magiging masaya ka sa kabila ng iyong kalagayan.
Tingnan kung paano iyan naging totoo kina Anja, Delina, at Gregory.