Awit 174
Manatiling Gising, Magpakatibay, Magpakalakas
1. Gising na, magpakatibay
Sa matwid na digmaan.
Magpakalalaking tunay,
Tagumpay namamasdan.
Kay Jesus, Dakilang Gideon,
Kubkubin kuta ng Midian.
Paghiyaw ukol sa digmaan,
Tatakbo ang kalaban.
2. Gising na, handa ang isip,
Laging tumatalima.
At sa tinig nga ni Kristo,
Susunod bawa’t isa.
Halimbawa niya ay pagmasdan
Nang si Jehova’y paluguran.
Tayo’y nagkakaisang hukbo,
Magtapat kay Jehova.
3. Gising na, magmatiisin;
Si Jehova’y hintayin.
Ang kamay niya’y sumusupil;
Di niya aantalahin.
Tulad kay Gideong tatlong daan,
Sasabihin niya kung kailan.
Utos niya’y sundin sa paghamok.
Ngalan ng Diyos banalin.
4. Gising na, magsama-sama,
Magtanggol sa gawain.
Ang teokratikong ayos
Atin ngang tangkilikin.
Sama-sama na magsigawan:
‘Ang tabak ni Jah at Gideon!’
Gising na at magpakagiting!
Labanan ay tapusin!