Awit 204
“Narito Ako! Suguin Mo Ako”
1. Mga tao’y nanlilibak,
Ngalan ng Diyos hinahamak.
Diyos malupit anang ilan;
“Walang Diyos!” sabi ng mangmang.
Sinong magbabangong-puri?
Sa pangalang dinuhagi?
“Narito! Ako’y suguin.
Pagpupuri’y aawitin;
(Koro)
2. Siya ay mabagal anila;
Takot sa Diyos di kilala.
Yaring bato ang Diyos nila;
Si Cesar ma’y sinasamba.
Sinong magbibigay alam?
Sa pangwakas na digmaan?
“Narito! Ako’y suguin.
Walang takot sasabihin;
(Koro)
3. Maamo ay may hinagpis,
Kasamaa’y lumalabis.
Ibig nilang masumpungan
Tunay na kapayapaan.
Sinong yayao’t maghatid?
Ng kaaliwan sa matwid?
“Narito! Ako’y suguin.
Maamo ay aakayin;
(KORO)
Wala nang higit pang gawain.
Diyos, ako ang suguin.”