Panloob na Pabalat
Mahal na Mambabasa:
Isinulat ng matalinong haring si Solomon: “Magsaya ka, binata [o dalaga], sa iyong kabataan, at dulutan ka nawa ng iyong puso ng kabutihan sa mga araw ng iyong kabinataan, at lumakad ka sa mga lakad ng iyong puso at sa mga bagay na nakikita ng iyong mga mata.” (Eclesiastes 11:9) Ngayong bata ka pa, marami kang puwedeng gawin at matutuhan sa buhay mo, at gusto naming masiyahan ka rito. Gayunman, pinasisigla ka namin na gamitin ang iyong buhay sa paraang nakalulugod sa Diyos na Jehova. Huwag mong kalilimutan na anuman ang gawin mo sa iyong buhay ay nakikita ni Jehova, at iyan ang magiging batayan niya kung bibigyan ka niya ng magandang kinabukasan. Kung gayon, isang katalinuhan na sundin ang karagdagang payo ni Solomon: “Alalahanin mo ngayon ang iyong Dakilang Maylalang sa mga araw ng iyong kabinataan.”—Eclesiastes 12:1.
Marubdob naming ipinapanalangin na makatulong sa iyo ang impormasyon sa aklat na ito na mapagtagumpayan ang mga hamon at mga tuksong napapaharap sa mga kabataan ngayon at makapagpasiya ka ayon sa kalooban ng Diyos. Kung gagawin mo iyan, mapapasaya mo ang puso ni Jehova.—Kawikaan 27:11.
Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova