AWIT 68
Paghahasik ng Binhi ng Kaharian
Printed Edition
1. Halina at makibahagi,
Sundan ating Panginoon.
Nariyan ang tulong at gabay niya
Sa gawain natin ngayon.
Binhi’y tutubo at mamumunga
Sa may matapat na puso.
Kaya’t ibigay buong makakaya
Sa iniatas niya sa iyo.
2. Ang tagumpay ng ’yong gawain,
Nakabatay rin sa iyo.
Kailangan silang maturuan
Nang sumulong at matuto.
Sa pag-uusig at panggigipit,
Tulungan silang tumayo.
Ang kagalakan ay ’yong madarama
’Pag sa puso binhi’y tumubo.
(Tingnan din ang Mat. 13:19-23; 22:37.)