AWIT 81
Ang Buhay ng Payunir
Printed Edition
1. Bago pa sumikat maningning na araw,
Tayo’y bumabangon,
naghahanda’t nananalangin.
May hatid na ngiti sa lahat ng tao,
Pakinggan o hindi,
tayo ay mangangaral pa rin.
(KORO)
Ito’ng buhay natin
Para kay Jehova.
Gagawin ang kalooban niya.
Tayo’y naglilingkod
Umula’t umaraw
Upang ipakita na mahal natin siya.
2. Sa kinahapunan, paglubog ng araw,
Maligaya’t pagod,
pag-uwi ay mananalangin.
Ating ’binibigay buong makakaya.
At salamat sa Diyos
sa mga pagpapala sa ’tin.
(KORO)
Ito’ng buhay natin
Para kay Jehova.
Gagawin ang kalooban niya.
Tayo’y naglilingkod
Umula’t umaraw
Upang ipakita na mahal natin siya.
(Tingnan din ang Jos. 24:15; Awit 92:2; Roma 14:8.)