AWIT 111
Mga Dahilan ng Ating Kagalakan
1. Ang dahilan nati’y marami
Upang tayo ay matuwa.
Mga tupa ay sumasama,
Nanggaling sa buong lupa.
Tunay ang ating kagalakan,
Sa Bibliya ay nakasalig.
Araw-araw na pag-aralan,
Sa narinig ay manalig.
Kagalakan nati’y malalim,
Nagniningas sa ’ting puso.
Dumanas man ng suliranin,
Kailanman ay ’di susuko.
(KORO)
Kagalakan natin si Jah!
Mga gawa niya’y dakila.
Karunungan niya, O kay lalim nga!
Kabutihan niya’y sagana.
2. Likha niya’y kay ganda’t kay husay,
Ang langit, dagat, at lupa,
Masdan aklat ng kalikasan,
Tunay na kamangha-mangha.
Kagalakan nating mangaral,
Kaharian ng Diyos ang paksa.
Dulot na mga pagpapala
O kay sayang ibalita.
Walang-hanggang kaligayahan,
Ngayon ay nalalapit na.
Bagong langit at bagong lupa,
Pangako ’yan ni Jehova!
(KORO)
Kagalakan natin si Jah!
Mga gawa niya’y dakila.
Karunungan niya, O kay lalim nga!
Kabutihan niya’y sagana.
(Tingnan din ang Deut. 16:15; Isa. 12:6; Juan 15:11.)