UNGGOY
[sa Heb., qohph].
Ang mga unggoy na inangkat ni Haring Solomon ay maaaring isang uri ng unggoy na mahaba ang buntot anupat isa itong uri na tinukoy ng sinaunang mga manunulat bilang katutubo sa Etiopia. (1Ha 10:22; 2Cr 9:21) Dahil ang salitang Hebreo na qohph ay maaaring kaugnay ng salitang Sanskrit na kapi at yamang ang mga paboreal ay itinuturing na katutubo sa TS Asia, nagkaroon ng palagay na ang mga unggoy ay dinala ng pangkat ng mga barko ni Solomon mula sa India o Sri Lanka. Gayunman, ang inangkat na mga hayop na iyon ay maaaring hindi tuwirang nanggaling sa pinagmulang bansa ni sa lupain ding iyon, dahil may mga indikasyon na nagkaroon ng kalakalan sa pagitan ng India at Aprika bago pa man ang panahon ni Solomon.—Tingnan ang PABOREAL; TARSIS Blg. 4.