HADRAC
Isang lupain na laban dito ay bumigkas si Jehova ng isang kapahayagan sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Zacarias. Ipinakita ng hulang ito, malamang na ipinahayag noong 518 B.C.E., na tinamo ng Hadrac ang pagkayamot ni Jehova. Binabanggit ito kaugnay ng ilang lunsod na nakapalibot sa Israel, gaya ng Damasco, Hamat, Tiro, Sidon, at ng mga Filisteong lunsod ng Askelon, Gaza, Ekron, at Asdod.—Zac 9:1-8.
Ang Hadrac ay maaaring isang estadong-lunsod na may kontrol sa mga lugar na nakapalibot dito. Pinaniniwalaang ito ang Hatarikka sa mga inskripsiyong Asiryano, na iniuugnay sa gulod ng Tell Afis, mga 45 km (28 mi) sa TK ng Aleppo. Itinala ng Asiryanong si Haring Tiglat-pileser III ang Hatarikka kasama ng “19 na distritong sakop ng Hamat.”—Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 282, 283.