JAHAZIEL
[Masdan Nawa ng Diyos; Minasdan ng Diyos].
1. Ikatlong nakatalang anak ni Hebron, isang Kohatita na mula sa tribo ni Levi.—1Cr 23:6, 12, 19; 24:23.
2. Isa sa makapangyarihang mga lalaki na sumama kay David sa Ziklag.—1Cr 12:1, 4.
3. Isa sa mga saserdoteng may mga trumpeta at nakatalaga sa harap ng kaban ng tipan matapos ipag-utos ni David na dalhin ito sa Jerusalem.—1Cr 16:1, 6.
4. Ang Levita na pinalakas ng espiritu ni Jehova upang salitain ang mga salitang pampatibay-loob kay Haring Jehosapat at sa kongregasyon nang pagbantaan sila ng isang nakahihigit na hukbo ng kaaway. “Narito ang sinabi ni Jehova sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o masindak man dahil sa malaking pulutong na ito,’” ang pahayag ni Jahaziel, “‘sapagkat ang pagbabaka ay hindi inyo, kundi sa Diyos. . . . Hindi ninyo kakailanganing lumaban sa pagkakataong ito. Lumagay kayo sa inyong dako, manatili kayong nakatayo at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Jehova para sa inyo.’” (2Cr 20:14-17) Si Jahaziel ay anak ni Zacarias, isang inapo ni Asap na mula sa pamilyang Gersom (Gerson [Gen 46:11]) ng mga Levita, samakatuwid ay hindi isang saserdote.—1Cr 6:39-43.
5. Ang ama ni Secanias, na isa sa mga bumalik sa Jerusalem kasama ni Ezra noong 468 B.C.E.—Ezr 8:1, 5.