JEGAR-SAHADUTA
[Aramaiko, nangangahulugang “Bunton na Saksi”].
Pananalitang Aramaiko (Siryano) na ginamit ni Laban upang tukuyin ang bunton ng mga bato kung saan sila kumain ni Jacob ng pagkain ng tipan. Ang buntong ito ng mga bato na tinawag na Jegar-sahaduta ay magsisilbing “isang saksi” na walang sinuman sa kanila ang daraan doon upang pinsalain ang isa. Tinawag ito ni Jacob sa pangalang Hebreo na “Galeed.”—Gen 31:25, 46-53; tingnan ang GALEED.