JOBAB
1. Isang inapo ni Sem sa pamamagitan ni Joktan. (Gen 10:21, 25, 29; 1Cr 1:23) Hindi na alam sa ngayon ang eksaktong rehiyon na pinamayanan ng mga supling ni Jobab.
2. “Anak ni Zera na mula sa Bozra”; isang monarkang Edomita na naghari ilang panahon bago namahala si Saul bilang unang hari ng Israel. Hinalinhan ni Jobab sa trono si “Bela na anak ni Beor.”—Gen 36:31-34; 1Cr 1:43-45.
3. Hari ng Madon, isang lunsod sa hilagang Palestina. Si Jobab at ang iba pang mga monarka ay sumama kay Jabin na hari ng Hazor sa isang pagsalakay laban sa mga Israelita ngunit natalo sila sa tubig ng Merom.—Jos 11:1-8; 12:19.
4. Anak ng Benjamitang si Saharaim sa kaniyang asawang si Hodes.—1Cr 8:1, 8, 9.
5. Isang inapo ng Benjamitang si Saharaim sa pamamagitan ni Elpaal.—1Cr 8:1, 8, 11, 18.