SIPMOT
Isang Judeanong lunsod na pinadalhan ni David ng “isang pagpapalang kaloob” mula sa mga samsam ng kaniyang tagumpay laban sa mga Amalekita. Habang isang takas, si David at ang kaniyang mga tauhan ay malayang nakaparoroo’t parito sa lunsod na ito. (1Sa 30:26-31) Hindi alam sa ngayon kung saan ang lokasyon nito.—Ihambing ang 1Cr 27:27; tingnan ang SIPMITA.