TAHAT
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “mas mababa; nasa ilalim”].
1. Isang inapo ni Efraim sa pamamagitan ni Sutela.—1Cr 7:20.
2. Isa pang Efraimita, kamag-anak ng Blg. 1.—1Cr 7:20.
3. Isang Kohatitang Levita; ninuno nina Samuel at Heman.—1Cr 6:22, 24, 33, 37, 38.
4. Isang dakong pinagkampuhan ng Israel sa ilang; hindi alam kung saan ang lokasyon nito.—Bil 33:26, 27.