“Magiging Napakalaki ang Pinsalang Magagawa”
SA Digmaang Pandaigdig I ay napakaraming buhay ng tao at ari-arian ang napahamak. Subalit, hindi gaanong alam ang pinsala na nagawa ng digmaan sa larawan ng mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan sa Aprika. Sang-ayon sa misyonerong Katoliko na si Francis Schimlek sa kaniyang aklat na Medicine Versus Witchcraft, ang balita tungkol sa pangglobong pagbabaka-bakang ito “ay gaya ng isang lindol, na ang yanig ay naramdaman hanggang sa pinakamalayong istasyon ng misyon sa kagubatan ng Aprika. . . . Ang mga mensahero ni Kristo ay nangapahiya, at nagitla ang mga Kristiyanong Katutubo.”
Bakit nga gayon? Sinipi ni Schimlek ang misyonerong si Albert Schweitzer sa kaniyang paliwanag: “Tayo, lahat tayo, ay may kamalayan na maraming mga Katutubo ang nagigitla sa katanungan kung paanong maaaring posible na ang mga puti, na may dala ng Ebanghelyo ng Pag-ibig, ay nagpapatayan ngayon, at kanilang itinatakwil ang mga utos ng Panginoong Jesus. Pagka kanilang iniharap sa atin ang tanong ay wala tayong magawa. . . . Ako’y nangangamba na magiging napakalaki ang pinsalang magagawa.”