Taunang Pulong—Oktubre 5, 1991
ANG TAUNANG PULONG ng mga miyembro ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay gaganapin sa Oktubre 5, 1991, sa Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova, 2932 Kennedy Boulevard, Jersey City, New Jersey. Isang paunang pulong ng mga miyembro lamang ang magtitipon sa ganap na alas 9:30 n.u., na susundan ng pangkalahatang taunang pulong sa ganap na alas 10:00 n.u.
Ang mga miyembro ng Korporasyon ay magpapatalastas sa Tanggapan ng Kalihim ngayon ng anumang pagbabago sa kanilang direksiyong pinagdadalhan ng kanilang mga sulat noong lumipas na taon upang ang regular na mga liham ng notisya at ng mga kakatawan sa kanila (proxies) ay makarating agad sa kanila pagkaraan ng Agosto 1.
Ang mga proxy, na ipadadala sa mga miyembro kasama ng notisya ng taunang pulong, ay ibabalik upang makarating sa Tanggapan ng Kalihim ng Samahan hindi lalampas ang Agosto 15. Dapat makumpleto at ibalik agad ng bawat miyembro ang kaniyang proxy, na sinasabi kung siya’y dadalo sa pulong nang personal o hindi. Ang impormasyon na nakasulat sa bawat proxy ay dapat na tiyakan sa puntong ito, yamang ito ang pagbabatayan sa pag-alam kung sino ang personal na makadadalo.
Inaasahan na ang buong sesyon, kasali na ang pormal na business meeting at mga report, ay matatapos hindi lalampas ang ala-1:00 n.h. o kahit lampas nang kaunti. Hindi magkakaroon ng sesyon sa hapon. Dahilan sa limitadong espasyo, ang mga may tiket lamang ang tatanggapin. Walang kaayusan na ang taunang pulong na ito ay ikatnig sa iba pang auditoryum sa pamamagitan ng mga linya ng telepono.