Milyun-milyon ang Dadalo—Kabilang Ka Ba?
Dadalo saan? Sa taunang pagdiriwang ng kamatayan ni Jesu-Kristo. Isang kabuuang bilang na 12,921,933 ang dumalo noong 1996 sa buong daigdig.
Bakit dadalo ang mga tao? Dahil sa kahulugan ng kamatayan ni Jesus para sa sangkatauhan. Nangangahulugan ito ng pagkaahon mula sa sakit, pagdurusa, at kamatayan. Maging ang mga namatay na minamahal ay bubuhaying-muli sa isang isinauling Paraiso sa lupa.
Paano makapagdudulot sa atin ng gayong mga pagpapala ang kamatayan ni Jesu-Kristo? Inaanyayahan ka upang malaman kung paano? Nais ng mga Saksi ni Jehova na makasama ka sa mahalagang okasyong ito.
Dumalo ka sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa iyong tahanan. Sa taóng ito ang petsa ay Linggo, Marso 23, pagkalubog ng araw. Makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar hinggil sa eksaktong oras.