Magkita-kita Tayo—Miyerkules, Abril 12
Isang Gabi na Dapat Alalahanin
Noong gabi bago siya mamatay, pinasinayaan ni Jesu-Kristo ang Memoryal ng kaniyang kamatayan. Gamit ang alak at tinapay na walang pampaalsa bilang mga sagisag, iniutos ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pagdiriwang ng taunang okasyong ito bilang pagsunod sa utos ni Jesus. Pakisuyong tingnan ang likuran ng handbill na ito o makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para malaman kung saan, kailan, at anong oras ito gaganapin.