Para sa mga Kabataan
Kung Paano Magkakaroon ng Tapat na mga Kaibigan
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.
Pangunahing mga tauhan: Jonatan, David, at Saul
Sumaryo: Matapos patayin ni David si Goliat, naging matalik silang magkaibigan ni Jonatan.
1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG 1 SAMUEL 17:57–18:11; 19:1; 20:1-17, 41, 42.
Ilarawan ang hitsura ni Saul. (Clue: Tingnan ang 1 Samuel 10:20-23.)
․․․․․
Malamang na tin-edyer pa lang si David nang magkakilala sila ni Jonatan. Ano sa tingin mo ang hitsura ni David? (Clue: Tingnan ang 1 Samuel 16:12, 13.)
․․․․․
Ano sa tingin mo ang nadarama nina David at Jonatan nang maghihiwalay na sila, gaya ng mababasa sa huling bahagi ng 1 Samuel kabanata 20?
․․․․․
2 PAG-ARALANG MABUTI.
Sinasabi ng ulat na “ang mismong kaluluwa ni Jonatan ay nalakip sa kaluluwa ni David”—o gaya ng salin ng Contemporary English Version, “sina David at Jonatan ay naging matalik na magkaibigan.” (1 Samuel 18:1) Ano kayang mga katangian ni David ang nagustuhan ni Jonatan kaya sila naging magkaibigan? (Clue: Tingnan ang 1 Samuel 17:45, 46.)
․․․․․
Mga 30 taon ang agwat nina David at Jonatan. Bakit kaya sila naging “matalik na magkaibigan” kahit malayo ang agwat ng edad nila?
․․․․․
Ano ang ilang katangian ng isang tunay na kaibigan, gaya ng makikita sa nakakaantig na ulat na ito? (Clue: Tingnan ang Kawikaan 17:17; 18:24.)
․․․․․
Bakit mas naging tapat si Jonatan kay David kaysa sa sarili niyang ama?
․․․․․
3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa pagkakaibigan.
․․․․․
Sa katapatan.
․․․․․
Sa pakikipagkaibigan sa nakatatanda.
․․․․․
Paano ka magkakaroon ng tunay na mga kaibigan?
․․․․․
4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․
KUNG WALA KANG BIBLIYA, HUMILING NITO SA MGA SAKSI NI JEHOVA, O BASAHIN ITO SA WEB SITE NA www.watchtower.org