Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: CEBUANO, ILOKO, PANGASINAN, AT TAGALOG: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. BICOL: Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang Hanggan sa ₱4.00. INTSIK: Your Youth—Getting the Best Out of It; Good News to Make You Happy; o Survival Into a New Earth sa ₱4.00. HILIGAYNON AT SAMAR-LEYTE: Good News to Make You Happy sa ₱4.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Gaya ng ipinakita sa itaas, sa buwang ito ay iaalok natin ang ilang matatandang aklat sa pinababang halaga sa ilang mga wika. Pakisuyong pansinin na yaong lamang mga publikasyong nakatala sa itaas ang dapat na ialok sa pinababang halaga na ₱4.00. Ang mga payunir ay makakakuha ng mga kopya sa ₱1.00 bawat isa. Maaaring humiling ang mga kongregasyon ng credit para sa mga payunir at mamamahayag kapag nagpapadala ng kanilang Remittance and Credit Request form (S-20) sa katapusan ng Enero.
◼ Sa Bicol, gaya ng iminungkahi sa Disyembre ng Ating Ministeryo sa Kaharian, aming hinihimok ang lahat na mag-alok ng aklat na Katotohanan sa pantanging halaga kasama ng brochure na “Narito!” sa kontribusyong ₱10.00.
◼ Ang Enero ay panahon upang iwasto ang ating Medical Directives at Identity Cards para sa 1994. Gayundin, ang lahat ng bagong bautisadong miyembro ng kongregasyon ay dapat na paglaanan ng card, gaya na rin ng mga di bautisadong mga anak ng mga magulang na Saksi. Pakisuyong repasuhin ng kalihim ang sulat sa lahat ng kongregasyon na may petsang Nobyembre 1, 1991 kung papaano pupunan ang mga card na ito at bigyan ang lahat ng nangangailangan ng card. Kung kinakailangan, pumidido pa ng higit sa Samahan.
◼ Ang pagdiriwang ng Memoryal ay gaganapin sa Sabado, Marso 26, 1994 matapos lumubog ang araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, pakisuyong tandaan na ang pagpapasa ng tinapay at alak ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi lumulubog ang araw. Walang ibang pulong ang dapat ganapin sa araw na iyon. Ang mga pulong na karaniwang idinaraos sa araw na yaon ay dapat na ganapin sa ibang araw sa linggong iyon. Ang mga paanyaya sa Memoryal ay ipadadala sa mga kongregasyon kapag naimprenta na.
◼ Ang pantanging pahayag pangmadla sa 1994 ay ibibigay sa buong daigdig sa Linggo, Abril 10. Ang paksa ay “Binibigo ba ng Relihiyon ang Lipunan ng Tao?” Ang balangkas ay ilalaan ng Samahan sa takdang panahon. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, may pansirkitong asamblea, o pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magdaraos ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyong magkakaroon ng pantanging pahayag bago ang Abril 10.
◼ Bagong Eskedyul sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat: Pasimula sa linggo ng Marso 7-13, 1994, ang mga kongregasyong Cebuano, Iloko at Tagalog ay magpapasimulang mag-aral sa aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat. Ang lahat ng mga kongregasyon ay dapat na magpadala ng kanilang pidido karakaraka upang magkaroon ang mga kapatid ng sapat na kopyang magagamit sa pag-aaral. Ang materyal ay isi-serye sa Gumising! sa Hiligaynon upang magamit ng mga kongregasyong Hiligaynon, pasimula sa isyu ng Pebrero 8, 1994, kaya dapat nilang tiyaking magkaroon ng sapat na pidido ng magasing Gumising! upang magkaroon ang bawat kapatid ng isang kopyang gagamitin sa pag-aaral ng kongregasyon sa aklat.
◼ Apat na Kulay na mga Magasin: Pasimula sa mga isyu ng Enero 1 at 8, 1994, Ang Bantayan at Gumising! ay iimprentahin sa apat na kulay sa Pilipinas. Ang mga sangay sa Switzerland at Denmark ay nagbigay ng tatlong makina sa pag-iimprenta sa sangay ng Pilipinas sa layuning ito. Nakatitiyak kaming ipakikita ng lahat ang kanilang pagpapahalaga sa pagiging higit na masigasig sa pamamahagi ng ating maganda at nagbibigay-buhay na mga magasin.