Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb22 Setyembre p. 7
  • Kaya Mong Harapin ang Kahirapan sa Buhay!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kaya Mong Harapin ang Kahirapan sa Buhay!
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Kaparehong Materyal
  • Mahalaga Ka kay Jehova!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Mukha
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Patuloy na Maghintay Nang May Pagbabata
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Gaano Katibay ang Pananampalataya Mo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
mwb22 Setyembre p. 7
Mga eksena sa video na “Magtayo ng Isang Sambahayang Makapagbabata—‘Makontento sa mga Bagay sa Kasalukuyan.’” Collage: 1. Si Ángel habang nagbabasa ng Bibliya. 2. Si Lester at ang asawa niya na magkasamang nagbabasa ng Bibliya.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kaya Mong Harapin ang Kahirapan sa Buhay!

Punô ng problema ang buhay sa mga huling araw na ito. Habang papalapít ang wakas, parami nang parami ang problema. Kung minsan, baka kinakapos tayo sa materyal. (Hab 3:16-18) Paano natin mahaharap ang kahirapan sa buhay? Dapat tayong patuloy na magtiwala sa Diyos na Jehova. Nangako siyang hindi niya pababayaan ang mga lingkod niya, at kaya niya tayong paglaanan anuman ang sitwasyon natin.​—Aw 37:18, 19; Heb 13:5, 6.

Ang puwede mong gawin:

  • Humiling kay Jehova ng patnubay, karunungan, at tulong.​—Aw 62:8

  • Tanggapin ang trabaho kahit hindi mo pa iyon nasusubukan.​—g 1/10 8-9, mga kahon

  • Huwag pabayaan ang espirituwal na rutin mo, gaya ng pagbabasa ng Bibliya araw-araw, pagdalo sa pulong, at pangangaral

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGTAYO NG ISANG SAMBAHAYANG MAKAPAGBABATA—‘MAKONTENTO SA MGA BAGAY SA KASALUKUYAN.’ PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano ang problema ng ilang pamilya?

  • Ano ang pinakaimportante sa buhay?

  • Paano tayo makakatulong sa mga dumaranas ng kahirapan sa buhay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share