PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Handa Ka Ba Kapag Nagkaroon ng Problema sa Ekonomiya?
Hindi na tayo nagugulat kapag nagkakaroon ng problema sa ekonomiya dahil sa mga nangyayari sa mundo. Bakit? Kasi nasa pinakadulo na tayo ng mga huling araw at binababalaan tayo ng Bibliya na huwag umasa sa “kayamanan na walang katiyakan.” (1Ti 6:17; 2Ti 3:1) Ano ang matututuhan natin kay Haring Jehosapat tungkol sa pagiging handa kapag nagkaproblema sa ekonomiya?
Nang malaman ni Jehosapat na sasalakayin sila ng mga kalabang bansa, umasa siya kay Jehova. (2Cr 20:9-12) Gumawa rin siya ng praktikal na mga paraan para ihanda ang bayan. Pinatibay niya ang mga lunsod at naglagay ng mga himpilan. (2Cr 17:1, 2, 12, 13) Gaya ni Jehosapat, dapat din tayong umasa kay Jehova at paghandaan ang mahihirap na sitwasyon.
PANOORIN ANG VIDEO NA HANDA KA BA SA SAKUNA? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang puwede nating gawin para makapaghanda sa sakuna?
Paano tayo magiging handa sa pagtulong sa iba?