OKTUBRE 12-18
JEREMIAS 42-44
Awit Blg. 103 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Humingi Sila ng Payo, Pero Hindi Sila Sumunod
(10 min.)
Bago pumunta sa Ehipto, hiniling muna ni Johanan at ng bayan kay Jeremias na ipanalangin sila at humingi ng payo kay Jehova (Jer 42:1-3; it “Johanan” Blg. 5)
Malinaw ang sagot ni Jehova: Manatili sa Juda, at huwag pumunta sa Ehipto (Jer 42:9, 10, 19)
Hindi sinunod ng bayan si Jehova (Jer 43:4-7)
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Kapag may nagpayo sa akin mula sa Bibliya, sinusunod ko ba iyon kahit hindi iyon ang gusto kong marinig?’—w25.07 5 ¶14.
Isang mature na sister ang nagbibigay sa isang nakababatang sister ng payo mula sa Bibliya tungkol sa pakikipag-date
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Jer 44:18—Bakit mali ang naging kaisipan ng mga Israelita na nagdusa sila dahil tumigil sila sa “paghahandog sa Reyna ng Langit”? (it “Pagkasutil” ¶4)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Jer 43:1-13 (th aralin 11)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 1: #5)
5. Pakikipag-usap Muli
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakipag-usap ang isang katotohanan na nasa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 7: #4)
6. Ano ang Sasabihin Mo?
(6 min.) Pagtalakay. DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Repasuhin sa maikli ang lmd aralin 2: #3. Ipakita ang larawan, at itanong sa mga tagapakinig:
Isang lalaki ang nagbabasa ng Bibliya o ibang aklat na panrelihiyon. Ano ang sasabihin mo sa kaniya para makapagpasimula ng pakikipag-usap?
Ano ang mga puwede mong itanong para malaman kung anong mga paksa sa Bibliya ang malamang na gusto niyang pag-usapan?
Anong teksto o katotohanan sa Bibliya ang puwede mong sabihin sa kaniya?
Awit Blg. 47
7. Lokal na Pangangailangan
(15 min.)
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) wcg kab. 12