Bakit Hindi Gumagamit ang mga Saksi ni Jehova ng Krus sa Pagsamba?
Itinuturing ng maraming tao ang krus bilang karaniwang simbolo ng Kristiyanismo. Bagaman mga Kristiyano kaming mga Saksi ni Jehova, hindi kami gumagamit ng krus sa pagsamba. Bakit?
Ang isang dahilan ay dahil ipinakikita ng Bibliya na hindi namatay si Jesus sa isang krus kundi sa isang simpleng tulos. Bukod diyan, mahigpit na binababalaan ng Bibliya ang mga Kristiyano na ‘tumakas mula sa idolatriya,’ na nangangahulugan ng hindi paggamit ng krus sa pagsamba.—1 Corinto 10:14; 1 Juan 5:21.
Kapansin-pansin, sinabi ni Jesus: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:34, 35) Kaya ipinakikita ni Jesus na ang mapagsakripisyong pag-ibig—hindi ang krus o iba pang imahen—ang pagkakakilanlan ng kaniyang tunay na mga tagasunod.