Ebanghelyo ni Juan—Ilang Mahahalagang Pangyayari
Inilista ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod hangga’t posible
Ibang mga pangyayari ang makikita sa bawat mapa ng Ebanghelyo
1. Malapit sa Betania sa kabila ng Jordan, tinawag ni Juan si Jesus na “Kordero ng Diyos” (Ju 1:29)
2. Sa Cana ng Galilea, ginawa ni Jesus ang una niyang himala (Ju 2:3, 7-9, 11)
3. Nilinis ni Jesus ang templo sa unang pagkakataon (Ju 2:13-15)
4. Nagpunta si Jesus sa nayon ng Judea; nagbabautismo ang mga alagad niya; nagbabautismo si Juan sa Enon (Ju 3:22, 23)
5. Sa balon ni Jacob sa Sicar, kinausap ni Jesus ang isang Samaritana (Ju 4:4-7, 14, 19, 20)
6. Pinagaling ni Jesus ang anak ng isang opisyal mula sa malayo, ang ikalawang himala niya sa Cana ng Galilea (Ju 4:46, 47, 50-54)
7. Pinagaling ni Jesus ang isang lalaking may sakit sa may paliguan ng Betzata sa Jerusalem (Ju 5:2-5, 8, 9)
8. Sa hilagang-silangang bahagi ng Lawa ng Galilea; gustong gawing hari ng mga tao si Jesus matapos niyang makahimalang pakainin ang mga 5,000 lalaki (Mat 14:19-21; Ju 6:10, 14, 15)
9. Sa isang sinagoga sa Capernaum, sinabi ni Jesus na siya ang “tinapay ng buhay”; marami ang nagulat sa sinabi niya (Ju 6:48, 54, 59, 66)
10. Sa imbakan ng tubig ng Siloam, pinagaling ni Jesus ang isang lalaking ipinanganak na bulag (Ju 9:1-3, 6, 7)
11. Sa Kolonada ni Solomon sa templo, tinangkang batuhin ng mga Judio si Jesus (Ju 10:22, 23, 31)
12. Nang tangkaing hulihin ng mga Judio si Jesus, nagpunta siya kung saan nagbabautismo si Juan noong una; marami sa kabila ng Jordan ang nanampalataya kay Jesus (Ju 10:39-42)
13. Binuhay-muli ni Jesus si Lazaro sa Betania (Ju 11:38, 39, 43, 44)
14. Nang magsabuwatan ang mga Judio sa Jerusalem para patayin si Jesus, pumunta siya sa Efraim, isang lunsod sa rehiyon na malapit sa ilang (Ju 11:53, 54)
15. Pagkaalis sa Betfage, sumakay si Jesus sa isang asno, at nagbunyi ang mga tao pagpasok niya sa Jerusalem (Mat 21:1, 7-10; Mar 11:1, 7-11; Luc 19:29, 30, 35, 37, 38; Ju 12:12-15)
16. Tinawid ni Jesus ang Lambak ng Kidron at nagpunta sa Getsemani kasama ang mga alagad niya (Mat 26:30; Mar 14:26; Luc 22:39; Ju 18:1)
17. Sa hardin ng Getsemani, tinraidor ni Hudas si Jesus at inaresto si Jesus (Mat 26:47-50; Mar 14:43-46; Luc 22:47, 48, 54; Ju 18:2, 3, 12)
18. Hinagupit at nilait si Jesus sa palasyo ng gobernador (Mat 27:26-29; Mar 15:15-20; Ju 19:1-3)
19. Ipinako si Jesus sa isang tulos sa Golgota (Mat 27:33-36; Mar 15:22-25; Luc 23:33; Ju 19:17, 18)
20. Nagpakita ang binuhay-muling si Jesus kay Maria Magdalena sa hardin na malapit sa libingan niya (Mat 28:1, 5, 6, 8, 9; Ju 20:11, 12, 15-17)
21. Sa baybayin ng Lawa ng Galilea, nagpakita si Jesus sa mga alagad; tiniyak ni Pedro na mahal niya si Jesus (Ju 21:12-15)